nOiSiErDiSpUtE

May 15th, 2012

 

 

 

---------------------------------------

~ bente quatro ~

project 360: numero sinco

---------------------------------------

Posted by backspace at 08:48 PM in photoblog | blow your mind

May 14th, 2012

 

 

------------------------------------------------

~ my first pleading got raped and butchered for 3hrs

till a "pwede na"  approval ~

project 360: numero quatro

------------------------------------------------

 

Erratum:

group efforts pala :D

will try to write something about the experience but i'm tad too tired to compose another sentence or two. sleep right now is what i needed most. and yes, the rain is cooperating :D

Posted by backspace at 11:42 AM in photoblog, wal loohcs ffuts | 1 minds blown

May 13th, 2012

 

 


--------------------------------------

~ sunday misty gloom ~

project 360: numero tres

--------------------------------------

Posted by backspace at 02:03 PM in photoblog | blow your mind

May 11th, 2012

 

 

----------------------------------------

~ and another day started and ended on a cup [pitcher] ~

project 360: numero dos

--------------------------------------

 

 

Posted by backspace at 10:32 PM in photoblog | 1 minds blown

May 10th, 2012

the return of my 360 project--- because i don't have life and i need variation, than reading books and studying

 

 

numero uno:

THE FORTHCOMING

 

 

Posted by backspace at 09:40 PM in photoblog | 4 minds blown

(pu)Wit ni Makoy for this week

Posted by soulfly at 07:45 AM | blow your mind

May 9th, 2012

Dugong Aso

Madalas nating marinig sa balita ang mga salitang "naghuhuramentado" at "nag-aamok." Ang una ay galing sa juramentado, wikang Kastila para sa mga taong "binigkis ng panunumpa" ng kanilang pananampalataya. Ikinabit ito sa mga mandirigmang Moro na handang ibuwis ang sariling buhay para sugpuin ang paglaganap ng Kristiyanismo. Samantala, ang ikalawa naman ay galing sa amuk, wikang Malay para sa mga taong nanunugod nang walang kaabag-abag at nag-aapoy sa galit ang mga mata.

Para sa media, iisa ang kahulugan ng dalawang salitang nabanggit gayong may historical at political na ugat ang una--ibig sabihin, kagitingan at katapangan--at ang ikalawa ay psychological--ibig sabihin ay pagkawala ng sariling bait ("nagdidilim ang paningin"/"nawawala sa sarili"). Kaya kapag nagwawala o nag-eeskandalo ang isang tao, sinasabing "naghuhuramentado" at "nag-aamok."

Kung mayaman naman ang nagwawala, ang tawag sa kanya ay "bipolar."

Hindi ba ganyan din ang mga tsismis tungkol kay Claudine Barretto lalo na noong maganap ang isang insidente sa bangko? ("Claudine Barretto "loses" account balance at a bank; money mysteriously disappears as she's about to withdraw it" - http://www.pep.ph/news/31647/claudine-barretto-loses-money-at-the-bank-money-mysteriously-disappeared-when-she-was-about-to-withdraw)

Ayon sa artikulong nabanggit, galit na galit diumano si Claudine sa nangyari at maririnig pa sa isang video ang pagtataas niya ng boses.

Kaya hindi na ako nagtaka kung tinaasan man niya ng boses ang empleyado ng Cebu Pacific. Sabagay, kung sa akin man mangyari ang insidente (9 sa 11 bagahe nila ay hindi isinabay sa eroplanong sinakyan nila) ay hindi ko rin maiiwasang mapikon. Ang kapal din naman kasi ng mukha ng Cebu Pacific para hindi sila abisuhan at sabihing normal lang ang ginawa nila. May termino pa nga raw dito -- "offloading policy" -- kaya hindi ito krimen.

Sa kabilang banda, halata namang scoop ang gusto ni Mon Tulfo. Sabi nga niya, isusulat niya ang insidente (pagrereklamo ni Claudine; pagmumura sa empleyada; paghahanap sa manager maging sa may-ari ng Cebu Pacific na si Gokongwei). Irate customer ang peg ni Claudine. Nagbayad siya sa serbisyo ng Cebu Pacific na palpak naman (hindi lang naman ito ang kapalpakang ginawa ng Cebu Pacific ngayong unang bahagi ng taon--alalahanin 'yung insidente ng matandang pinaglakad nila sa tarmac dahil may bayad ang kanilang wheelchair).

Bistado naman talaga si Mon Tulfo. Huwag niyang sabihing hindi niya kilala sina Claudine Barretto. Huwag siyang magtanga-tangahan dahil, unang-una, isa siyang journalist (journalist nga ba?) kaya inaasahang malawak ang kanyang kaalaman. Sigurado naman na pangalan ni Claudine Barretto ang ilalagay niya sa kanyang column sakaling hindi naganap ang pambubugbog sa kanya. Teka, sinabi niyang nilagay niya ang cellphone niya sa kanyang "paparazzi bag" so does that make him a self-confessed paparazzi? Ilan na bang paparazzi ang binugbog, sinampahan ng invasion of privacy at trespassing, at ikinulong?

Idagdag pa 'yung pambabanta ng magkakapatid na Tulfo kina Raymart at Claudine. Sabagay, kilala na sila sa pambabanta at pagmumura sa TV man o radyo. Walang sinasanto. Kahit hindi naman talaga 'yung may kasalanan ang nakasagot ng telepono, ipinapahiya nila sa TV at radyo. Nang mahimasmasan ay todo naman ang paghingi nila ng paumanhin.

May mga ganyan ka talagang makakasalubong. Mga dugong aso. 'Yung kumakain daw ng aso kaya ugaling aso. 'Yung kapag nakasagupa mo sa kalsada ay baka hindi lang mura at panunutok ng baril ang aabutin mo. Karamihan pa sa mga ganyan ay mga may matataas na ranggo sa militar o kamag-anak ng militar o pulis.

Clinical daw ang ganyan. Binansagan pa ngang "rage syndrome." Mas malala kaya ito sa pagiging bipolar? Nasa dugo kaya ito? Nasa kiwang ng utak? Nasa kinakain? Sa init? O dahil sa malapit ang buwan sa mundo (tulad noong supermoon) kaya marami ang nabubuang (lunatic) o nag-aasal mabangis na hayop (lycanthrope)?

Ang hindi nakakatawa ay mas pinagtuunan pa ng pansin ang insidente at binansagan pang "Thrilla in NAIA." Pansinin ang paliwanag sa artikulong "Headlining Trivia" (http://www.cmfr-phil.org/2012/05/07/headlining-trivia/).

Kasama sa mga element/katangian ng balita ang human interest pero tsismis nga ba ang tunay na interes ng taumbayan at hindi ang mga usapin patungkol sa kanilang mga batayang pangangailangan (food, shelter, clothing)? Bakit hindi naging headline ang hinaing ng mga mamimili dahil sa patuloy na pagtaas ng bilihin? Bakit hindi naging headline ang marahas na demolisyon?

Isa pang hindi nakakatawa ang mga bansag na "montulfo," "raymart," at "claudine." Pramis, ang layo ng mga ito sa talas ng mga bansag na Marcosian, Imeldific, Eraption, at ang pinaka-recent na Noynoying. Makapagpauso lang.

At ngayon, maaawa ba tayo sa bubug-saradong mukha ni Mon Tulfo o sa galos sa hita ni Claudine? Kanino na ngayon magsusumbong ang mga Tulfo? Buti na lang pala hindi nakita nina Raymart at Claudine 'yung (babaeng) kumuha ng video ng rambol at nag-upload sa youtube. Kung hindi, baka pati siya ay nabugbog.

Pero alin kaya ang totoo: Birds of the same feather flock together o Galit ang magnanakaw sa kapwa-magnanakaw?

Moral lesson: Huwag magsuot ng pink.

Sa dami naman ng mga nabasa kong opinyon tungkol dito, isa sa mga pinakamaayos ang FB status ni Fred Dabu:

affected ka ng barretto-santiago vs. tulfo/s brawl dahil:
a. nakaranas ka na ng palpak na serbisyo ng malalaking negosyo tulad ng sa transport industry
b. nakaranas ka na ng verbal abuse mula sa nagrereklamong client/s
c. na-picturan o na-youtube ka na ng labag sa iyong kalooban
d. napagbawalan ka nang kumuha ng litrato/video sa pampublikong lugar sa lehitimong pagkakataon
e. napagtangkaan ka nang agawan ng cell phone
f. nakaranas ka na ng threat, assault o "makuyog"
g. naiinis ka sa "sensationalism" ng mainstream media
h. naiinis ka sa abusadong pag-uugali
i. miron / usi lang na nakiki-trending
j. gustong maintindihan kung bakit napaka-init na isyu nito sa kabila ng pang-araw-araw o mas mabibigat na isyu na mas apektado ka naman pero wala ka nang gaanong masabi
k. naisipan pa lang o may tendency kang mag-react tulad nila sa nakakainis na sitwasyon
l. all of the above

Kayo, alin kayo dyan?

Posted by soulfly at 08:52 AM | blow your mind

May 8th, 2012

favorite Marx quote atbp

 

 

Anibersaryo last week ng umbrella organization na BAYAN (Bagong Alyansang Makabayan), May 5.

Ang BAYAN (parang 'Ang Bayan' ang peg) ay ang legal na alyansa ng sectoral groups na ang oryentasyon ay pambansa-demokratiko. Pambansa dahil hangad nito ang pambansang soberanya at demokratiko dahil hangad nito ang genuine land reform, pakikibaka sa katutubong pyudalismo at para itaguyod ang demokratikong karapatan ng sambayanan.

Ka-birthday pala ng BAYAN si Karl Marx. Katuwa 'no? Parang founding anniversary lang ng komite sentral ng Communist Party of the Philippines na birthday din ni Mao Zedong, December 26. Pati ang birthday ni Andres Bonifacio - November 30 - ay anibersaryo rin ng Kabataang Makabayan at Anakbayan.

Enwey, dahil birthday ni Karl Marx, nagtanong ang Kilusang Mayo Uno kung ano ang ating favorite Marx quote.

 

[Sorry, Virginia. He was not Santa Claus. Kalerks.]

 

Shempre nandyan na ang "Religion is the opium of the masses." Andyan na rin ang "From each according to his ability, to each according to his need." Maging ang panimula niya sa Communist Manifesto: "A specter is haunting Europe - the specter of communism."

Alam kong isang poet si Karl Marx at may mga love poem pa nga siyang isinulat noon. So naghanap ako ng medyo literary ang flavor. And I found this quote:

"What's sauce for the gander is sauce for the goose."

Ganda! Pero ano kaya ang ibig sabihin?

Posted by soulfly at 07:24 AM | blow your mind

« Newer · »
site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links