My sister texted me about this incident, so I phone them last weekend.
My mom met the mother of a friend of mine in Friendster; this friend also lives here in Germany. Take note that I don't personally know this family. I only knew of her son through Friendster through a common friend, which is my friend in grade school and high school and his friend in college. I never knew their family even if we live in the same town and our baranggay is just right next to each other. Although my mom told me that she knows the mom.
Okay! So, they met, most probably in the subdivision where we purchased a lot and where they have built their house. This mom of my Friendster friend asked my mom blatantly if I am gay. So, my mom said no and asked her why had she asked such a question. Her only reason for thinking so... "Puro kasi lalaki ang nasa list of friends niya sa Friendster."
Ganun ba kababaw ang batayan ng pagkatao ng isang tao? O ganun lang kababaw ang pananaw niya? Malamang ang sagot ang 'yung huli!
Hindi ako nagagalit dahil inisip niya na bakla ako. Sanay na ako sa mga ganung akusasyon. Ang nakaka-inis lang ay ang husgahan ka ng isang tao na hindi ka nakikilala nang lubusan at lalong higit na nakakapag-ngitngit ay ang husgahan ka ng isang tao na hindi ka pa man lang nakikita nang personal.
Hindi lang unfair para sa akin 'yun. Pati na rin sa mga kaibigan ko na walang kamalay-malay na ginawang batayan sa pagkatao ng kapwa niya.
Naisip ko lang... Binilang kaya niya ang mga lalaki at babae sa friends list ko? Saan niya isinama ang mga kaibigan kong bakla, tomboy at bi?
Ano ang pakialam niya sa buhay at pagkatao ko? Ano man ako, sino man ako, ano man ang ginagawa ko... wala siyang pakialam! Hindi niya ako kilala kaya huwag siya mag-isip nang kung ano laban sa akin. At lalong huwag niyang idawit ang pamilya ko sa kung ano mang maruming pag-iisip niya.
Pasalamat siya at hindi ako ang hinarap niya. Nawawalan ako ng pinag-aralan sa harap ng mga taong makikitid ang utak na tulad niya. Mas makitid pa ang utak niya sa mga daan sa Obando. Lalo pa nga sigurong makitid ang utak niya sa mga bulaos ng bayan namin. At ang utak niya ay sing-lansa at baho ng amoy ng mga isda sa punduhan.
Ano kaya ang pinagmamalaki niya? Na may manugang, balae at apo siyang puti? O baka naman may ikinaiinggit siya sa akin o sa pamilya ko?
Ipagdasal niyang huwag niya akong makasalubong kung sakali mang umuwi ako. At kung masalubong ko man siya, mag-ingat siyang huwag madulas ang dila...
***
Ramdom Thoughts:
Everytime I'm telling my friends that "I felt lonely." or "I feel lonely." or "I'm a bit depressed.", They always say, "Na naman?!"
Hmmm... I guess, sadness has already acquired a permanent residence in me.
While working this morning in front of the computer, I suddenly smelled, or at least I think I smelled, ginataang manok. Impossible! Even if there are Filipinos on our floor, who would heat it that time of the day. Now, I'm craving for ginataang manok. If this persists until this evening, I'll pass by the grocery and buy ingredients.
Last night, my best friend Jay from Canada, texted me and asked if I can call him. Minsan lang naman kaya tumawag na ako. It was nice talking with him, sharing updates on our lives. Na-miss ko tuloy ang mga gimik namin. Siya kasi ang lagi kong kasama sa lakad ko lalo na nung umuwi ako last year.