nOiSiErDiSpUtE

Entries for September, 2008

September 11th, 2008

Ano na ang balita?

Nang matapos ang contract ko sa trabaho, siempre bum na ako ngayon at wala nang magawa, nag-general cleaning ako sa bahay, naglaba, namalantsa, nagligpit at nag-ayos. Pero ngayon tambak na uli ang labada.

Tapos, nagsimula na ulit akong mag-part time para may extra income. Pero parang kulang pa rin ang sueldo.

Nang dumating ang 5th Gospel Singers more than a week ago tumulong kami sa pag-organize ng concert nila rito sa Bonn. Naging tourguide rin ako ng ilan sa kanila, inikot ko sila sa city. Enjoy naman at masaya sila kasama.

Last Saturday naman, Internationales Begegnungsfest sa Rheinauenpark. It's a yeary event with booths from different nations and stage show. Masaya dahil napaka-international ng ambience. Iba't-ibang kulay (at amoy) ang andun. Laging madami at mahaba ang booth ng Pinas kasi maraming participants. Tapos, lagi pang nagpupunta ang mga tao sa gaw ng Pinas kasi ang daming pagkain. Tama ang mga officemates namin na kung nasaan ang Pinoy, nandun ang pagkain. Sabi nga isa naming colleague from Tanzania, ang dami daw naming mga Pinoy. Kumuha nga siya ng mga pictures para ipakita sa kaibigan niyang Pinay. Sabi ko sa kanya, "We hae brought the Philippines to Bonn!"

Nag-participate ang Tropa sa event. Mayroon kaming Tosilog, Longsilog, Champorado with Dilis, Melon Juice, Buko Pandan at Puding. Ako ang gumawa ng mga desserts at naubos naman. Ako rin ang nagluto ng sinangag. Enjoy kaming lahat dahil ang daming tao at parang fiesta talaga. Ibinenta nga rin namin ang mga natira kong souvenirs from Cebu. Pati na ang lalagyan ng lip stick na nabili ko sa Hong Kong. hehehe.

Enjoy kahit pa pagod at puyat. Ibang klase talaga. 'Yung katabi naming both may music pa at singer. Although may accent kaya "Lits git lawd" at "At first ay was afrid, Ay was fitrifayd". Pero dinumog ng tao ang gawi namin at nagsayawan silang lahat. Wow Philippines talaga. More than the usual fiesta. lols

This week, nagsimula na akong mag-trabaho (pro bono) sa library na i-lau-launch sa 28 Sept. Buti na lang na classify na ang mga libro ng mga kasama ko. Patapos na ang catalouging and inventory, labeling na lang okay na kami. Gagawa na lang ng kopya ng rules ang regulations, okay na.

Kanina tinawagan ako ni Jang at tinanon kung puede akong maging local staff nila for four days dahil kailangan ng preparations for their conference in Istanbul. Siempre go ako kaya nag-send ako ng CV. Hindi ko lang sure kung matatanggap. Pero okay lang kasi may trabaho pa sa library.

Mamaya, meeting namin para sa despedida nina consul. Isasara na kasi ang Philippines Embassy Bonn Extension Office at ililipat sa Frankfurt. Tapos, uuwi na rin sila consul at pamilya. Mabait kasi sila kaya mahal na mahal ng mga pinoy dito. Kaya naisipan na gawan sila ng despedida.

Speaking of despedida, kapag nagkataon at hindi naayos ang papel ko may despedida ako rito at may welcome party sa Pinas. Hahahaha. Mag-re-renew kasi ako ng visa at siempre, medyo paranoid ako dahil nag-concentrate ako sa trabaho for the last two years. Napabayaan ko ang pag-aaral kaya kapag hiningan ako ng ibang dokumento, lagot ako. Sana yun lang certificate ang hingin sa akin, kasi kapag ganun, ligtas uli ako. Pero kahit anong mangyari handa ako. Okay rin lang sa akin na bumalik ng Pinas. Owayt!

Pero sige lang! Laban lang nang laban. Bonakid naman ako eh. hehehe. Batang may laban, isinilang na palaban!

We'll see!

Posted by ays at 11:11 AM | 27 minds blown

site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links