Last day at work
It's my last day at work... again! Tapos na naman ang contract ko na
forever yatang renewable. hehehe. I'm glad I always have a job though.
Mas mainam nga lang kung permanenete na. Kailan kaya?
This
month, nag-apply ako as a Team Assistant sa isang Programme within the
same organization.Matagal bago ako nag-apply sa isang post. Medyo
alangan kasi ako sa experience ko. Kulang kasi sa years tapos puro
relevant pa ang hanap nila. Mababa ang confidence level ko. Pero I
applied for this one. Good luck sa akin!
Actually,
mas gusto ko sa programme ko ngayon kasi mas exciting. Ito kasi ang
nag-o-organize ng conferences. I just love the adrenalin rush! Medyo
matagal nga lang ang hihintayin ko para mag-open sila ng post. Although
kailangan naman, ewan ko ba kung bakit ang tagal. Baka abutin ako ng
problema sa papel.
Speaking
of papel, mag-re-renew ako sa mid October. Sana lang walang maging
problema. Kung hahanapan nila ako ng papel sa school, may maibibigay
akong certificate. 'Wag lang silang manghingi ng kung ano pa, lusot
ako! At sana mas i-consider nila ang limang taon ko rito kasi kung
ganun, bibigyan nila ako ng papel na walang expiration date. Parang
unli ba! Sana naman.
Limang taon! Shit! Hindi ko akalain na magtatagal ako ng ganito rito. Isipin mo, limang taon akong nakatagal dito.Geeze!
Ngayon,
last day ko. Makakatulog na naman ako nang mahaba. Sana maging
productive ako sa break ko. At sana huwag maging mahaba ang break ko.
Nakakapagod maglabas-masok... sa work.
Currently listening to: Jumpstart with Igi and Fran (Monster Radio RX 93.1)
Currently feeling: medyo sad
Posted by ays at 11:00 AM | 6 minds blown
Vki

ays

ang emo ng usericon mo ha!
Vki

ays

Vki

ays
