Esep-esep
Dahil sa sobrang homesick... at sa kung ano pang dahilan, nais ko nang bumalik sa Pinas for good. Halos desidido na ako at medyo may plano na pero siempre pinag-iisipan pa rin. At lalong tumitindi habang dumadaan ang araw...
Nang kumain kami sa Buffet ng Chinese Restaurant noong Valentine's Day, na all black pa ang outfit ko, bukod sa nabundat na naman ako, kumuha kami ng fortune cookies at ito ang sabi sa akin...
"Don't act spontaneously, think it over."
Hala! Dapat nga sigurong pag-isipan. Although parang gusto ko talagang bumalik.
Pero naalala ko ang isang text message sa akin na hindi na matandaan kung sino ang nagbigay at kung saan galing...
"Ang binabalikan, 'yung naghihintay."
May naghihintay nga ba?
EWAN!!!
Posted by ays at 08:00 PM | 28 minds blown