nOiSiErDiSpUtE

Entries for January, 2008

January 13th, 2008

Huli man daw at magaling, naihahabol din!

Sa lahat ng mga blogmates ko at napapasyal dito, hayaan n'yong ihabol ko ang pagbati sa inyo sa nagdaang kapaskuhan at bagong taon. Nawa ay makamtan ninyo ang mga biyayang handog ng bagong taong ito.

Medyo busy lang ako sa pag-e-enjoy ng aking bakasyon sa ating bayan...

Mag-po-post na lang ako ng update ngayong si Bro ay Smart na. Hehehe...

Posted by ays at 04:40 PM | 2 minds blown

January 25th, 2008

Busy ako sa kakagala para pagsawaan ang Pinas pero mahirap pala itong pagsawaan dahil para siyang bawal na gamot.

Nakakaadik!!!

Ayaw ko pang umuwi!!!

Ayaw ko nang umuwi!!!

Posted by ays at 05:48 AM | 2 minds blown

January 29th, 2008

Leaving on a Jet Pain!

All my bags are packed...

I don't want to go...

Para sa mga kapamilya at kaibigan ko dito sa Pinas...

Paalam at Hanggang sa muli. Salamat sa panahon, tawanan, kulitan at pagkakaibigan...

Sa mga kasama at kaibigan sa Alemanya...

Eto na ang aking pagbabalik! Haharapin na naman ang realidad ng buhay... ang pakikipaglaban... ang pakikipagsapalaran.

Mahirap umalis lalo na ngayong napagtanto ko na dito pala ang tahanan ko at narito ang puso ko. Ngunit may kailangan akong harapin doon. Kailangan kong tapusin kung ano man ang mga dapat kong gawin. Ano man ang kahihinatnan ng buhay ko o kung ano pa ang haharapin ko roon ay hindi ko alam. Ang alam ko lang... kung maganda ang kalalabasan, may tatanawin akong magandang bukas. At kung sakaling pangit man, alam kong may babalikan akong buhay.

'Ika nga, "You gain some. You lose some."

Abangan ang aking mga kwento at sususnod na pakikipagsapalaran...

Posted by ays at 04:03 AM | 4 minds blown

January 31st, 2008

I'm back... to reality!

Katulad ng pagbalik ko sa Pinas na hindi ko mapaniwalaan sa una, ganito rin ang nadarama ko ngayon nang bumalik ako sa Alemanya.

Home sick na ako at marami akong maililistang rason kung bakit mas masarap sa Pinas kaysa rito.

Pero ito ang relidad ng buhay at kailangan ko 'tong harapin.

Cue: "Along again... naturally"

Posted by ays at 04:57 PM | 8 minds blown

site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links