nOiSiErDiSpUtE

December 13th, 2007

Colleague blues...

My last weeks at workd has been so busy. I had to work over time even on weekends, as in kahit Linggo. Pero ewan ko ba, parang mas exciting para sa akin. Hindi dahil ako na lang ang natira sa floor namin dahil lahat sila ay nasa Bali, pero dahil iba ang feeling na may trabaho ka at busy ka sa ginagawa mo, not to mention na enjoy ka. Although, hindi ko makukuha ang last two weeks na sueldo dahil bakasyon ang mga kasamahan after the conference. Paano na ang baon ko? Huwaaahhhh... At least may aabutan akong pera pagbalik. Sigh...

One good thing about the work is the extension given to me. Dahil sa dami ng trabaho, binigyan kami ng extension. Pero dahil sa ako lang ang available sa aming tatlong magkakasama, ako lang ang nag-extend. Una, dapat four days lang pero nang ibigay ng HR ang contract, 6 days. Ayuuus!

Okay din na mag-isa ako kasi medyo hindi okay ang kasama kong isa eh. Okay 'yung isa, pinay eh. Walang problema. Eh 'yung isa, ewan ko ba! Masyadong malaki ang insecurities sa katawan, selosa pa. Nakasama ko na siya sa SB 26 before. Okay naman kaya lang kinumpronta ba naman ang supervisor namin. Eh Pinay, tapos kakilala ko na noon pa. Sinabi ba naman na may favoritism at ako lagi ang pinapaboran. Kesyo, dapat daw silang dalawa ang magkaharap sa upuan sa workstation sa Maritim. At para maiwasan ang diskusyon, siya ang kinuha para sa sumunod na project sa Vienna. Buti na lang at mayroon akong nakuhang trabaho sa ibang programme.

Nito namang nakaraan, kami ulit ang magkasama. Ewan ko ba dun, simula nun, iwas na kami ng bisor ko. Kunwari hindi kami magkakasama sa lunch, merienda, kahit pa telepono. Masakit kasi sa ulo kaya iwas kami. Tapos, ramdam ko pa na nakikipag-kompetensiya siya sa akin, na kesyo mas marami siyang nagagawa kaysa sa akin. Pero cool lang ako!

One time, na-bwisit ako sa kanya dahil lang sa "The Associated Press". Oo, ang "AP". Sabi niya sa akin bakit ko raw ginawang "The Associated Press - Jakarta" ang name ng organization bureau na 'yun eh "Associated Press" daw dapat dahil AP ang acronym. Hindi ko naintindihan noong una kaya sabi ko mayroon silang bureau doon. Then sabi niya, baka may conflict kasi nilagyan ko ng "The" at baka raw ibang org 'yun. Nanlamig ang katawan ko at tumaas ang init sa ulo ko. Katangahan ba naman! Sinabi ko sa kanya nang patapang na, "Check 'The Associated Press' in Google and it will give you  'Associated Press'!" Try pa siyang explain, tapos nakita rin niya na iisa lang 'yun at walang malaking difference ang "The". She's so blonde! She thinks that with the "The" the acronym should be "TAP" instead of "AP". Hindi kaya kami ang nag-de-decide kung ano acronym na org. Besides, bakit ba kasi pinapakialaman ang media, eh akin 'yun! Hindi ko siya pinakikialaman sa parties kaya. Simula noon, nasabon ko siya sa paggawa niya ng mga void entries sa database.

Isa pa ang bwisit na naiwan. Supposedly, siya ang ma-scan, mag-print, mag-copy at mag.send ng mga nominations sa amin at sa mga colleagues sa Bali. Akalain mo ba namang ipasa sa amin at 'yun daw ay hindi niya trabaho. Gagawin pa raw niya 'yun sa Lunes kapag wala na kami. Aba! Eh ano ang ginagawa niya? Samantalang 'yun ang trabaho nyia Dapat. Hindi ko lang masabi na mas madami yata kaming trabaho sa kanya. Then, nung gabi na binigyan niya ako ng mga nominations. Hindi ko malinaw kung na scan na niya lahat kasi may sinabi siyang na-scan na. Kaya, bago siya umalis, tinanong ko siya. Aba! Hiritan ba naman ako na hindi raw niya 'yun trabaho at ang dami pa niyang ginagawa at may anak pa siyang maliit at hindi niya kaya lahat. Nanggigil ak sinabihan siyang, "I'm just asking you if they are all scanned! That's all I want to know." Saka ko siya tinalukuran. Lintek! Sino ba ang kaunti ang trabaho? 'Yung colleagues nga namin na nasa Bali, ilan ang may anak dun. Di hamak na mas madami silang trabaho at tinitiis kaysa kanya. Puede ba?

Ito pa ang isa, si blonde ulit. Inilipat ang server from here to Bali kaya siempre hindi maayos lahat agad. Tapos, since maaga siya laging pumapasok, siya ang nakaalam na hindi gumagana ang database namin. Sinabi raw niya sa colleague namin na nag-me-maintain ng databse tapos sinabihan daw siya ng "Read carefully". Awa naman ako siempre kasi tama naman siya. Kaya ang ginawa ko, nagreply ako ng friendly message cc'd to all people concerned including the boss. Reply siya sa akin kung ano ang gagawin. Tapos, hindi pa rin naayos kaya nag-reply ang isa pang colleague na dati kong boss, pero sa akin lang at sa computer support naka-copy. Hanggang sa naayos din. Kita ko kay blonde kung paano siya nainis hindi lang dahil sa treatment sa kanya kundi na rin dahil sa akin nakipag-communicate ang mga network gurus. Nagbitiw tuloy siya ng salita na kasi ba dahil blonde siya kaya siya sinabihan ng ganun tapos babae pa siya. Well, indeed mahahaluan ng ganung discrimination kahit pa sabihin na dito kami nag-tra-trabaho.

On the lighter side, dahil sa extension nakasama pa ako sa pancit party ng mga Noypi sa office. Ilan lang kaming natirang Pinoy sa office dahil lahat sila nasa Bali na. Sayang at na-miss ko ang Mongoloid (Mongolian Barbeque) Party nila. At alam n'yo ba kung saan nagluto? Sa office, hehehe! Astig! Noypi lang ang gumagawa noon doon. As in, may kalan at dinala doon ang mga sangkap. Saan ka pa? Ang cute nga eh kasi doon kami nagluto sa 6th floor kung saan ako unang nag-cuarto. Hehehe. Memories... Naglokohan nga kami na baka masisante lahat ang pinoy sa pinaggagagawa namin. Sabi ng isa, hindi raw mangyayari kasi ang dami namin. Hirit ko naman, hindi nila kami sisisantehin nang sabay-sabay, kundi una-una. Hehehe.

That's the last work I had with them. It was fun, exciting and soemtimes frustrating kapag may katrabaho kang bano. Sayang at hindi ako kasama sa Bali. Ang init pa naman ngayon doon, temperature pati na rin ang debate. Buti na lang may webcast, malupit din 'to. Tapos puede ring mapanood sa YouTube o basahin sa blog. Technology at work. Tapos, ito sana ang pagkakataon para makita ko ang mga prominenteng tao, pati na rin ang mga artista. Shit, red carpet? I'm not in favor na makihalo ang mga artistang 'to pero kung may magagawa sila para gisingin ang mga tao sa problemang klima, sige na nga!

On the mean time, relax muna ako... Ay! Hindi pala kasi kailangan kong magligpit sa bahay at ayusin ang maleta kasi... (cue: "I'll be home fro Christmas"

Posted by ays at 04:25 PM | 5 minds blown

Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



Comment posted on December 15th, 2007 at 12:20 PM
haha! mag-away ba tungkol sa AP?

teka dsl na kme sa bahay.. pag-aaralan ko yang webcast..
Comment posted on December 17th, 2007 at 05:48 PM
painitin ba ang ulo ko kasi dahil sa katangahan? hehehe

check it out. it's really informative and interesting. not to mention, mainit at nakakatawa dahil napahiya ang USA sa komento ng Papua New Guinea. Asteeg!
Comment posted on December 17th, 2007 at 10:09 PM
san napahiya?
Comment posted on December 30th, 2007 at 11:53 AM
watch the whole last session of the conference. actually, marami ang nag-comment against usa.
Comment posted on December 30th, 2007 at 06:24 PM
buti nga haha
site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links