Napadaan lang...
Ang tagal ko nang hindi nag-po-post dito, kahit na ang magbasa ng blog at makibalita. Kumusta na ba kayo? Sana naman okay kayong lahat.
Ako, masyadong busy kahit pa mahigit isang buwan nang walang trabaho. Buti na lang at may naaawa pa sa akin kaya buhay pa ako.
After my last contract, nag-ayos lang ako ng bahay dahil marami na akong dapat itapon, ayusin at linisin. Naglaba, namalantsa at siempre humilata, matulog, kumain at manood ng TV. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit bumigat ang timbang ko. Buti na lang at hindi gaanong halata dahil siksik ang taba. hahaha.
September, naging busy ako sa novena para kay San Lorenzo dahil araw-araw kaming may Powerpoint presentation. Tapos, sumating ang tita at tito ko from San Francisco, California. At dahil wala akong pasok, halos ako nag nagpasyal sa kanila. Naging tour guide ba! At okay naman dahil kumita ako. Hahaha. Hmm... Lucrative job yata 'yun ah. Hehehe.
Ngayon, naglinis at nag-ayos uli ako ng bahay dahil mahigit isang linggo akong nasa labas ng bahay dahil sa pag-tour sa kanila. Buti na lang at may isang linggo pa akong pahinga bago pumasok uli sa trabaho. Good! May pambayad na ako ng plane ticket at baon. Hehehe.
For the mean time... bum muna tayo.
Posted by ays at 06:03 PM | blow your mind