Labasmasok!
Last day ko ngayon sa trabaho pagkatapos kong ma-extend ng isang linggo dahil mali ang contract na ibinigay sa akin.
Gaya ng sabi ko, ito ang pangatlong kontrata ko rito. Sa tatlong kontrata ko, tatlo rin ang pinasukan kong Programme. Naka-apat din akong lipat ng cuarto at dalawang extension numbers. Kung baga sa bubuyog, dapo at lipad ako sa mga bulaklak.
Marami akong nakilala pero wala namang naging close dahil bukod sa maiigsi lang ang contract, paiba-iba pa ng programme. Sabi sa akin ng boss ko (na kaibigan ko rin), after 2 weeks ay babalik ako para tapusin ang trabaho. I can't wait. Hmm... Salamat naman.
Hindi naman sa pagyayabang, nagustuhan ng manager namin ang trabaho ko. Sabi ng aming team assistant, impressed daw ang manager namin sa akin. I made sure na tama at maayos ang trabaho ko, hindi dahil sa gusto ko silang ma-impress. Hindi rin dahil sa mahirap mag-trabaho kapag alam ng kasamahan mo na magkaibigan kayo ng supervisor mo, lalo na kung magkababayan kayo. Hindi rin dahil sa gusto kong ipakita sa iba na kaya ko ang trabaho. Ginawa ko 'yun dahil gusto kong patunayan sa sarili ko na may kakayanan ako at maayos ko natatapos ang trabaho ko. Kailangan ko ito para i-justify sa sarili ko na kaya ako hindi makakuha ng permanenteng trabaho ay dahil sa wala pa ang tamang oras. Gusto kong patunayan sa sarili ko na wala akong permanenteng trabaho hindi dahil sa hindi ako magaling. I just need that to comfort myself.
Kahit labasmasok ako sa organisasyon na 'to, okay lang dahil oportunidad ito para makita ang galing at pagsisikap ko. Hindi man ako makakuha ng permanenteng trabaho, malaki at magandang credential ang maibibigay sa akin ng experience na 'to. Hindi talo, kahit pa umatras o umabante ako. Masarap namang mag-labasmasok, di ba? Hehehe.
Natigil ako sa pag-type kasi sumaan si Jaz at napag-usapan namin ang tungkol sa last day ko. She encouraged me to apply for a vacant post. Medyo hesitant pa ako dahil sa kulang ang experience ko pero sabi nga niya, huwag kong tingan kung ano ang wala o kulang sa akin kundi kung ano ang mayroon ako. I still have 2 weeks to decide on it and to update my resumé.
Wish me luck, ano man ang gawin ko.
For the mean time, bakasyon muna ako ng 2 linggo.
Hay! Sarap!
Currently feeling: amused
Posted by ays at 03:11 PM | 8 minds blown
Vki

Vki

ays

sketches

ays

thanks. i don't think i need such exam. magagastusan lang ako! hehe
RJ_happygolucky

ays

sketches

at naglabas-masok ang,,,