nOiSiErDiSpUtE

August 7th, 2007

Ano na?!

Okay naman ang araw ko ngayon. Nagising naman nang tama para makaligo at makapag-ayos ng gamit. Nakapag-init pa ako ng siopao na siya kong kinain sa bus habang nagbabasa ng "The Devil and Miss Prymm" ni Paulo Coelho. Marami na ulit akong kasabay sa bus kasi pasukan na uli.

Nang dumating ako sa opisina, usual na gawain. Binuksan ko ang computer at inayos ang gamit ko. Aba! Nagulat ako dahil expired na raw ang access ko sa network. Tinawagan ko agad ang Computer Support, si Ate LT ang kinausap ko para tanungin kung ano ang nangyari. 'Yun pala, hanggang 2 Aug lang ang request para sa account ko. Ang gulo naman! Naayos naman agad pero ang laking inconvenience niyan kasi hindi ako makapag-trabaho (at makapag-internet ). Pero okay na agad. Siguro, isang oras akong tumanga. Hehehe. Uminom na lang ako ng apple juice habang naghihintay.

Ang labo kasi ng HR. Una, hindi raw ako puedeng bigyan ng more than 20 days na contract. Tapos nang ibinigay na sa akin 'yung contract ko noong dumating ako, 24 days na. Tapos last week, sinabihan ang boss ko na nagkamali sila at dapat daw ay 30 days talaga. So, 'yung contract ko na dapat matatapos sa Thursday ay extended ng 6 na araw. Sinabi ko nga kay Ate Minda na paki-asikaso kasi hindi lang access sa network ang mawawala sa akin, kasama na ang ID, electronic card pass at baka magkagulo din sa finance, mawalan pa ako ng sueldo. Huwag naman po!

Buti nga, may mga pinoy akong malalapitan para ayusin kung ano man ang problema ko rito. Kaya kami nasasabihan ng mafia eh. Solid kasi ang samahan. Although hindi kami ang magkakaibigan, nagkakaisa kasi kami at kita nila 'yun. Inggit lang siguro sila kasi iba ang pinoy. Hehehe

I take it as a good sign kasi hindi pa matatapos ang trabaho ko. After ng contract ko, pagpapahingahin lang ako ng 2 weeks at sana bigyan nila ako ng mas mahabang contract. Huwag lang akong mahuli ng gobierno. 2 buwan lang kasi puedeng mag-trabaho ang mga estudiante. Kaya nga, permanent work ang hinahanap ko para wala nang gulo. Pero okay pa rin, masaya naman eh.

Matagal na akong hindi nakakapag-post dito. Ang dami kasing ginagawa sa trabaho eh. Bukod pa ang mga preparation sa mga trabaho sa youth group. Ngayon, inaantok na ako. Kulang kasi ako sa tulog eh. Kailangan ko ng pahinga. Kailangan ko ng mga-aalaga sa akin. Hehehe.

Tama na! Nag-iilusyon na.

Balik sa trabaho.

Kalahating oras na lang uwian na!!! Hehehe

Posted by ays at 04:23 PM | blow your mind

Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links