nOiSiErDiSpUtE

Entries for August, 2007

August 7th, 2007

Ano na?!

Okay naman ang araw ko ngayon. Nagising naman nang tama para makaligo at makapag-ayos ng gamit. Nakapag-init pa ako ng siopao na siya kong kinain sa bus habang nagbabasa ng "The Devil and Miss Prymm" ni Paulo Coelho. Marami na ulit akong kasabay sa bus kasi pasukan na uli.

Nang dumating ako sa opisina, usual na gawain. Binuksan ko ang computer at inayos ang gamit ko. Aba! Nagulat ako dahil expired na raw ang access ko sa network. Tinawagan ko agad ang Computer Support, si Ate LT ang kinausap ko para tanungin kung ano ang nangyari. 'Yun pala, hanggang 2 Aug lang ang request para sa account ko. Ang gulo naman! Naayos naman agad pero ang laking inconvenience niyan kasi hindi ako makapag-trabaho (at makapag-internet ). Pero okay na agad. Siguro, isang oras akong tumanga. Hehehe. Uminom na lang ako ng apple juice habang naghihintay.

Ang labo kasi ng HR. Una, hindi raw ako puedeng bigyan ng more than 20 days na contract. Tapos nang ibinigay na sa akin 'yung contract ko noong dumating ako, 24 days na. Tapos last week, sinabihan ang boss ko na nagkamali sila at dapat daw ay 30 days talaga. So, 'yung contract ko na dapat matatapos sa Thursday ay extended ng 6 na araw. Sinabi ko nga kay Ate Minda na paki-asikaso kasi hindi lang access sa network ang mawawala sa akin, kasama na ang ID, electronic card pass at baka magkagulo din sa finance, mawalan pa ako ng sueldo. Huwag naman po!

Buti nga, may mga pinoy akong malalapitan para ayusin kung ano man ang problema ko rito. Kaya kami nasasabihan ng mafia eh. Solid kasi ang samahan. Although hindi kami ang magkakaibigan, nagkakaisa kasi kami at kita nila 'yun. Inggit lang siguro sila kasi iba ang pinoy. Hehehe

I take it as a good sign kasi hindi pa matatapos ang trabaho ko. After ng contract ko, pagpapahingahin lang ako ng 2 weeks at sana bigyan nila ako ng mas mahabang contract. Huwag lang akong mahuli ng gobierno. 2 buwan lang kasi puedeng mag-trabaho ang mga estudiante. Kaya nga, permanent work ang hinahanap ko para wala nang gulo. Pero okay pa rin, masaya naman eh.

Matagal na akong hindi nakakapag-post dito. Ang dami kasing ginagawa sa trabaho eh. Bukod pa ang mga preparation sa mga trabaho sa youth group. Ngayon, inaantok na ako. Kulang kasi ako sa tulog eh. Kailangan ko ng pahinga. Kailangan ko ng mga-aalaga sa akin. Hehehe.

Tama na! Nag-iilusyon na.

Balik sa trabaho.

Kalahating oras na lang uwian na!!! Hehehe

Posted by ays at 04:23 PM | blow your mind

August 10th, 2007

Back to normal...

I was sick for two days! Last Wednesday morning, I was in the office and I suddenly felt a very strong headache. It is as if my head is being pressed. I tried fighting the pain by drinking tea and lots of water but it never subsided. I also asked my colleague if they have a pain reliever. Then, I decided to went home. As I walk to the bus stop, I can hear my footsteps in my head. How painful it is!

On the bus, I fell asleep and I felt a little relieved. But as I got off, I felt it again. I ate first when I got home and then went to sleep. I slept until late that evening. Then I called my best buddy just to have some comfort. (Thanks, Jay!) I just had lugaw for dinner, watched some TV shows and went back to sleep again.

The next day, I really wanted to go to work but my body feels so heavy and when I tried to get up, my head felt as if it is heavier than my body (with all its fat!). So, I sent a message to my boss that I can't report for work. I wen to sleep again and after some hours, I made a pancake with hotdog chunks and cheese. With a nice strong cup of coffee from Senseo, I had a very wonderful and tasty breakfast.

After having watching some TV shows, I went back to bed and slept all day. I was awaken by 2 phonecalls. The first was from Consul Gary, asking me if I already read my e-mail because I have to correct some information in his article. The 2nd is from my boss, Kuya Lando, asking me to go to his house for dinner since he will be having visitors from the Philippines. Hindi ko pa nga siya nakilala dahil medyo bangag pa yata ako.

I had a nice time yesterday night. Pero halatang hindi maganda ang pakiramdam ko kasi hindi gaanong magana ang pagkain ko saka hindi rin ako makulit. Pero at least, mas okay na ako. Thank God!

Mahirap talagang magka-sakit lalo na kapag mag-isa ka. Buti na lang, malakas pa rin ang resistensiya ko. Kaya nga ayaw kong umuwi noong Wednesday kasi ayaw kong maramdaman na mag-isa ako pag-uwi at baka mas magka-sakit lang ako. Pero I really need to have a rest kaya nga okay na ako ngayon eh. Hehehe.

Kanina pagpasok ko, dahil hindi pa naaayos ang extension ng papel ko until next week, wala na akong access sa building. Buti na lang kasama ko si boss at hindi na rin na-check ang ID ko. Pero ang gamit kong ID ngayon, expired na! Hehehe. Buti na lang at may access pa ako sa network. Ganun talaga...

May nagtanong sa akin kung ano nga ba ang bagong hitsura ko nang magpagupit ako ang buhok, eto na siya. Mukhang tatakbong senador! Hahahaha

AYS for SENATOR
At Your Service

 

 

 

Posted by ays at 12:58 PM | 30 minds blown

August 17th, 2007

Labasmasok!

Last day ko ngayon sa trabaho pagkatapos kong ma-extend ng isang linggo dahil mali ang contract na ibinigay sa akin.

Gaya ng sabi ko, ito ang pangatlong kontrata ko rito. Sa tatlong kontrata ko, tatlo rin ang pinasukan kong Programme. Naka-apat din akong lipat ng cuarto at dalawang extension numbers. Kung baga sa bubuyog, dapo at lipad ako sa mga bulaklak.

Marami akong nakilala pero wala namang naging close dahil bukod sa maiigsi lang ang contract, paiba-iba pa ng programme. Sabi sa akin ng boss ko (na kaibigan ko rin), after 2 weeks ay babalik ako para tapusin ang trabaho. I can't wait. Hmm... Salamat naman.

Hindi naman sa pagyayabang, nagustuhan ng manager namin ang trabaho ko. Sabi ng aming team assistant, impressed daw ang manager namin sa akin. I made sure na tama at maayos ang trabaho ko, hindi dahil sa gusto ko silang ma-impress. Hindi rin dahil sa mahirap mag-trabaho kapag alam ng kasamahan mo na magkaibigan kayo ng supervisor mo, lalo na kung magkababayan kayo. Hindi rin dahil sa gusto kong ipakita sa iba na kaya ko ang trabaho. Ginawa ko 'yun dahil gusto kong patunayan sa sarili ko na may kakayanan ako at maayos ko natatapos ang trabaho ko. Kailangan ko ito para i-justify sa sarili ko na kaya ako hindi makakuha ng permanenteng trabaho ay dahil sa wala pa ang tamang oras. Gusto kong patunayan sa sarili ko na wala akong permanenteng trabaho hindi dahil sa hindi ako magaling. I just need that to comfort myself.

Kahit labasmasok ako sa organisasyon na 'to, okay lang dahil oportunidad ito para makita ang galing at pagsisikap ko. Hindi man ako makakuha ng permanenteng trabaho, malaki at magandang credential ang maibibigay sa akin ng experience na 'to. Hindi talo, kahit pa umatras o umabante ako. Masarap namang mag-labasmasok, di ba? Hehehe.

Natigil ako sa pag-type kasi sumaan si Jaz at napag-usapan namin ang tungkol sa last day ko. She encouraged me to apply for a vacant post. Medyo hesitant pa ako dahil sa kulang ang experience ko pero sabi nga niya, huwag kong tingan kung ano ang wala o kulang sa akin kundi kung ano ang mayroon ako. I still have 2 weeks to decide on it and to update my resumé.

Wish me luck, ano man ang gawin ko.

For the mean time, bakasyon muna ako ng 2 linggo.

Hay! Sarap!

Posted by ays at 03:11 PM | 8 minds blown

site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links