nOiSiErDiSpUtE

July 6th, 2007

New old me!

As usual, hindi na naman ako nakatulog nang maaga. Kahit pa pagod na ang katawan ko, hindi pa rin paawat ang isip ko. Ang weird pa nito, kapag nakaupo ako, nararamdaman ko ang antok. Pero kapag humiga na ako, hindi naman ako makatulog.

Nung isang gabi, o madaling araw, nakapagsulat ako ng tula. Tagalog. Inilabas ko ang hinanakit. Nampucha! Depressed Mode: ON

Kagabi, hindi ulit ako makatulog kaya naisipan kong magbasa ng libro. Binuklat ko ulit ang "Satinless Longanisa" ni Bob Ong. At bigla kong naalala ang ka-weirduhan ko kaya binuksan ko ang laptop at nag-type. Doon ko napatunayan na hindi ako normal! Hehehe. #

Kinaumagahan, nagising ako sa tawag ni Kuya Lando, ang aking Supervisor to-be. Kailangan ko raw i-submit ang kopya ng Insurance Card ko dahil 'yun na lang ang hinihintay. Kahit pa inaantok ako, bumangon na at naligo. Inom muna siempre ng kape.

Nang ma-submit ko na, gumala ako sa city. Naisip kong magpagupit na. Naka-ilang balik ako bago maging finala ng desisyon ko. At nang pumasok ako sa salon, wala nang urungan. Wala namang malaking pinagbago. Ako pa rin, mga ilang taon ang nakalipas ang hitsura. I felt new and at the same time old. Saka na ang prueba!

Posted by ays at 02:20 PM | 4 minds blown

Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



Comment posted on July 7th, 2007 at 04:14 PM
o asan un tula?
Comment posted on July 11th, 2007 at 09:41 AM
ha? pic ko ang gusto kong bigyan ng prueba.

saka, takot akong magpakita ng tula lalo na sa 'yo. master ka kasi. baka hard critic ka. hehehe
Comment posted on July 12th, 2007 at 01:33 AM
haler hndi nga ako mrunong mgcrit
Comment posted on July 12th, 2007 at 09:31 AM
talaga lang ha?

sige, post ko. kaya lang medyo puso na naman ang tama eh. hehehe
site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links