nOiSiErDiSpUtE

Entries for April, 2007

April 7th, 2007

Judas, Jesus and San Lorenzo

This is the most different Holy Week I have ever had. Geeze! I have never imagined that something like this would happen.

Just a small recap on what happened the past weeks. After my  contract has ended, I had a few weeks of rest. Although I wasn't able to enjoy it that much due to my pollen allergies during Spring. The weather was okay but I always have to sneeze accompanied by a runny nose and itchy eyes. Damn!

Last two weeks ago, the classes started and I never went to school. Fuck it! I don't wanna go to school anymore. I also can't since I'll be having a job next week. Besides, I am having what they call "Frühjahrsmüdigkeit", or restless-/tiredness due to the allergies and/or changing of season. As in I feel so exhausted. Para akong pagod na pagod. Ang takaw ko sa tulog. Sobra!

Before the Holy Week, I have been busy downloading pictures that I'll be using for the powerpoint presentation on Good Friday. We have been using this almost over a year ago in masses specially during homilies. I was in charge in animating "The Seven Last Words" and Good Friday mass. That's not so easy since I have to make sure it would fit with the text they'll be reading and it has to look good as well when it is beamed on the wall. I was also in charge in selecting youth prayer leaders for the "Via Crusis" and I was also one of the actors in the skit that we will be playing on Good Friday. Whew!

Maundy Thursday (Washing of the Feet)

Arrived late at the church, hoping that I won't be picked as one of the apostles. But as soon as I entered the church door, Ate Lina hurriedly approached me and took me by my arm going to the Sacristi telling me not to decline. As I enter the Sacristi, Danica, one of the sacristan (or should I say sacristana?), told me that I am the twelth. I then raised my voice and told to everyone, "We are now complete! Here is Judas." Everybody laughed.

Pasyon

After the mass, we had a practice for the "Passion Play". Then, we headed for the "Pabasa". This has been a yearly tradition here brought by Filipinos. Although only attended by few Filipinos, it has been covered once in a report by Deutsche Welle. Felt a bit at home. Lalo na at kasama ko pa ang ibang taga-Bulacan.

Good Friday

We went to a church on top of a hill to have our yearly "Via Crusis" and for three years in a row the youth has always been the prayer leaders and I am always assigned to organize them. Even if some of the prayer leaders turned down their duties on the last minute, I had lesser stress this year because I was helped by fellow youth leaders. I went well and I was glad it did. By the way, we had more participants this year and most of them came from different cities.

Veneration of the Cross

After the "Via Crusis", we got ourselves Fishmac at Mcdo and headed straight to the church to have a practice for the skit of the "Passion Play". Then, after the german finished their service, I fixed my laptop and the beamer for the presentation and then the sound system. After fixing it all, I left it with a co-youth leader. Just last Maundy Thrusday, I was Judas and on Good Friday, I was Jesus. Geeze, that was so weird! I mean, "Why me?"

While "The Seven Last Words" were being read, I was just at the sacristi, internalizing. I need it! I so need it. Then, as the mass started, I went out of the church to the ecntrance and waited for my cue. As I was waiting, I can help but cry while internalizing. This reminds me of the "Agony in the Garden". The feeling was soo weird. I can't explain it. It's just soo different. Then, the time came.

It was well delivered. As in the whole cast has played their respective roles in the best way they could. The congregation was so touced and moved by it, as they attested. They even applaud after that. Something that I am not so amazed about. I mean, we're didn't played it to be praised. We did that to make them visualized the passion that Christ went through. Well, that's due to the flow of emotion as many have told.

After that, as I expected, may pasa ang mga tuhod ko. We have forgotten to look for knee pads. Hindi na rin kami nakagawa kahit sapin man lang. Ang laki ng pasa, tapos hindi lang tig-isa sa magkabilang tuhod. May mga napuruhan pang parte. Tapos, ngayon medyo sumasakit pa. I hope walang nangyaring injury or something.

Black Saturday

We had a choir practice for the Easter Mass. We stayed until the early morning next day at Ritchie's house drinking and karaoke singing. That was great but quite tiring.

Easter Sunday

We sang in the mass. It was okay, a bit hectic though because we have to help each other in setting up the equipments needed. It was all worth it though. Lahat ng pagod at puyat from the preparations. Kasama na ang mga pasa ko sa tuhod.

We headed straight to my tita's house and had lunch. Tapos, merienda naman kina Kuya Lando, raclette and grill. Tapos, punta kami sa surprise birthday party for Ate Meng. Then, balik kami kina Kuya Lando para uminom, kumata, magpuyat at magkulitan. Para kaming nag-station of the... plate. hehehe

Easter Monday

We had a general practice for the San Lorenzo play which will be shown on Friday. Kahit masakit ang mga tuhod ko, sige pa rin. Torture scene and all.

I treated myself naman to Starbucks in Cologne. Hehehe.

Easter Tuesday

I started my new job for the next few weeks, until mid May. Nice to be back here. I would tell some more about it next time.

Posted by ays at 02:35 PM | 22 minds blown

April 17th, 2007

Intriga sa opisina

Wala na naman akong ginagawa sa trabaho. Patabain na naman!!! Hindi naman ako makapag-reklamo kasi kapag malapit na nag conference, siguradong tambak na ang trabaho at hindi na ako makakausap.

Kuwento lang ako ng kaunti tungkol sa opisina. Kahapon ng umaga, kinausap ako ng isang former team mate ko. Akala niya kasi, bumalik ako sa department namin. Naintriga siya kaya tinawagan niya ako nang makapunta na kami sa cuarto namin. Dun niya sinabi ang mga nangyari habang wala ako. Napagkasunduan din naming kumain nang sabay para mapag-usapan nang maayos ang lahat.

Sinabi niya sa akin na pinatatawagan daw ako ng boss namin sa supervisor ko para bigyan ng trabaho nang nag-team meeting sila. Tapos parang ayaw yata ng supervisor ko kaya tinanong siya ng boss namin kung may personal daw ba siyang dahilan o kung dahil sa performance ko. Humindi naman daw siya at sinabing pag-uusapan na lang nila mamaya. Kung ano man ang dahilan niya at ano ang piang-usapan nila, sila lang ang nakaka-alam.

Kinuwento rin niya ang tungkol sa kasama naming pinoy na nanganganib mawalan ng trabaho. Naisip niya siguro na baka ganun din ang mangyari sa akin kaya niya sinabi ang lahat. Tiwala naman ako sa kanya kasi pinoy ang asawa niya at saka mas malapit siya sa amin (pinoy) kaysa ibang lahi.

Naisip ko na baka may dahilan naman ang supervisor ko. Naalala ko kasi na sinabihan niya ako na baka tawagan nila ako before my new contract with the other department. (Pero hindi nga natuloy.) Napag-usapan din namin na kapag natapos ang conference, may vacancy silang ilalabas at (indirectly) para sa akin 'yun since 'yun ang trabaho ko dati. I gave her the benefit of the doubt dahil baka 'yun ang dahilan niya, para sabihin sa boss ko na hindi ako puede dahil sa trabaho ko at puede nila akong kunin after ng conference.

Hindi ako sigurado kung ano nga ba ang nangyayari. Hindi ko pa rin sila nakakausap. One of these days, kakausapin ko sila. Tatanungin ko rin kung may nakalaang posisyon nga ba para sa 'kin. Dahil kung wala, may mga posisyong bakante na puede kong aplayan.

Sana walang masama sa mga nangyayari at walang maging balakid para makapasok ako sa organization. Sana... sana...

Posted by ays at 04:58 PM | 61 minds blown

April 19th, 2007

Peste!!!

3 weeks ago, may natanggapa kong notice mula sa post office. May registered mail daw ako at dapat kong kunin sa kanila. Tinanong ko ang sarili ko kung sino ang magpapadala sa akin nun. Eh wala naman akong inaasahan na darating.

Kinailangan kong gumising nang maaga kasi may schedule ako later that day. Tapos nang makita ko kung ano 'yun, parang gusto kong ibato sa post office clerk ang sulat!

Electoral Mail!

Nag-register kasi ako as Overseas Absentee Voter last year. Wala akong balak noon na mag-register pero dahil nagpunta ako sa embassy noon para mag-renew ng passpost, nakita ako ni Kuya Consul Gary tapos sinabihan akong mag-register na tutal andun na ako. Hindi na ako nakatanggi kaya nag-register ako. Ayaw ko noong mag-register dahil hinala kong may milagrong magaganap sa mga balota habang nasa ere sila papuntang Pinas.

Binuksan ko agad ang envelope at sinilip kung ano ang lama. Ang laman ay... Official Ballot (na akala ko ay Sample Ballot dahil halatang mumurahin ang papel. Mapapamura ka nga talaga!), envelope kung saan mo ilalagay ang balota, isang sticker na pang-seal sa envelope, instruction kung ano ang gagawin, listahan ng Party-list Representative at listahan ng kandidatong senador.

Mas napamura ako nang makita nag listahan ng mga tumatakbong senador! PUTANG INA!!!

* Ano ang ginagawa nina Richard Gomez at Cesar Montano sa listahan?

Magtatayo na lang ako ng fans club sa buong mundo para sa kanila at ipagtatayo ko pa sila ng rebulto, huwag lang silang tumakbo. Panonoorin ko ang mga sitcom at pelikula nila nang ilang ulit, huwag lang silang sumabak sa pelikula. TAENA NILA!!!

*Ano ang ginagawa ni Victor Wood dun?

Kakantahin ko na lang ang mga kanta niya 24/7. I-promote ko rin ang mga kanta at CD niya, huwag lang siyang kumanta sa senado. Utang na Loob!!!

* Nakalista rin doon ang mga TRAPO!

Come back ng marami. TSK TSK TSK... 'Yung iba naman, kung baga sa TV programs, regional lang noon pero ngayon gusto nilang maging nationwide.

* Hindi ko rin kilala ang iba!

Mistulang "Introducing" sila sa pelikula! Nakampucha!!!

* Sunod sa yapak naman ang ilan.

Dahil sa ang magulang, lolo o lola, asawa, kapatid, pinsan, bayaw o hipag, kamag-anak, kakilala, kaibigan, kapitbahay, katulong, kababayan o kahit hindi kaanu-ano ay nasa politika, pumasok na rin ang mga HINAYUPAK! Ginagamit pa nila ang mga pangalan para ipagpatuloy (KUNO!) ang nasimulan ng kanilang kapamilya.

*Okay din ang Party-List Representatives!

O baka mas dapat sabihing Party-LECHE Representatives? Karamihan sa kanila, pinili ang letter "A" para sa pangalan nila, para nga naman nasa unahan ng listahan. Pero mas malupit ang gumamit ng number! Hindi mo alam kung sino sa kanila ang tunay na may ipinaglalaban at kung sino lang ang gustong makapasok sa kamara. Hindi rin masisiguro kung sino ang nasa likod ng mga BWAKANANG INA!!!

Nilagyan ko ng highlight ang pangalan ng mga senador na gusto kong iboto at lima lang sila. Sino pa nga ba ang isasali ko kung wala akong tiwala sa mga 'yan? Hindi ko rin alam kung sino ang mas mabuting iboto para sa party-list. Kailangang pag-isipan dahil gusto ko ng pagbabago. Pero nakakapag-init ng ulo ang politika sa atin. GRABE!!!

Posted by ays at 09:53 AM | 64 minds blown

April 30th, 2007

Read my VisualDNA Get your own VisualDNA™

Posted by ays at 11:26 AM | blow your mind

site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links