nOiSiErDiSpUtE

December 17th, 2006

My christmas entry 1

Prolouge
 

Matagal na akong hindi nag-update rito. Kahit pa may internet access ako sa school at paminsan-minsan ay nakakasagap ng WLAN sa katabing Internet/Call shop ng kaibigan ko, usually, nagbabasa lang ako at sumasagot ng comments from the previous posts. Madalas kasi nag-che-check lang ako ng e-mails dahil marami rin kaming ginagawa lately sa school, sa church etc. Medyo busy nga ako lately. At dahil ngayon lang akonag-update, naipon ang mga kwento ko. Mahaba-haba ang akin ngayon!

 
Isa sa pinagkaabalahan ko ay ang pagbabasa ng “The Alchemist” ni Paulo Coelho. Sa mga hindi pa nakapag-basa nito, I strongly recommend this book! This book is really great. It is about following your dreams… your personal legend.
 
Siguro hindi ako dapat magsisi kung bakit ngayon ko lang binasa ang librong ito. Kahit pa alam ko na ang librong ito sa Pinas pa lang, hindi ko binili dahil marami pa akong binabasang libro noon. Binili ko ang librong ‘to two years ago nang makita ko sa isang bookstore rito sa Bonn, at mula noon nangolekta lang siya ng alikabok.
 
Napaka-timely ng pagbabasa ko ng librong ito. Binasa ko ito at the time na tinatanong ko ang sarili ko kung ano ang gagawin ko sa buhay ko, anong direksyon ang pipiliin ko, saan ako pupunta etc etc. Marami akong natutunan at sa mga quotable quotes sa mga pages nito, mas lalo kong naintindihan ang buhay. Hindi ko maisa-isa ang mga ‘yun kasi marami at masarap i-elaborate. Mas mainam na mabasa n’yo ang libro at kayo na mismo ang maka-diskubre kung anu-ano ang mga ‘yun at kung paano ito makakatulong sa buhay n’yo. One thing’s for sure, this book has given me hope, made me realized a lot of things, made me understand life more and made a difference in me.
 
Dito ko natutunan ang pagbabasa ng “omens”. Ang sabi ng author, ito raw ang mga clue na binbigay ni Lord sa atin sa pagtahak sa buhay. Dito ko rin nalaman na kailangang makinig ka sa puso mo dahil sasabihin nito sa iyo ang mga dapat mong gawin at nasa kanya ang treasure mo.
 
Nang matapos kong basahin ang libong ‘to, naluwagan ako at nagkaroon ng pag-asa. Pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nagyayari ito sa buhay ko, I mean, bakit ko kailangang danasin ‘yung mga bagay-bagay na ayaw ko.
  
A talk with my heart
 
Isang araw, malungkot ako dahil sa ayaw ko nang takbo ng buhay ko kaya after school naglakad ako sa park kung saan makakahanap ako ng peace. Sinubukan kong lumayo sa mga tao, naglakad, naupo sa tabi ng lake, nag-muni-muni, nag-dasal, nag-isip, at dumating sa punto na napagod at umupo sa isang bench at nanahimik. Tinanong ko ang sarili ko kung dapat pa ba akong mag-stay dito. Ayaw ko nang mag-aral, ayaw ko na ng trabaho ko, ayaw ko na ganitong buhay, ayaw ko nang makipag-usap ulit sa immigration para mag-renew ng visa at kung anu-ano pa. Pero gusto ko rito kasi, marami akong nagagawa na hindi ko nagawa noon sa Pinas tulad ng pagkanta, pagsayaw, pag-arte, pagsusulat, pag-organize ng activities at ayaw kong iwanan ang youth group namin.
 
Naisip kong hindi naman masama kung iisipin ko naman ang sarili ko at susundin ang pangarap ko. Naisip kong umuwi ng Pinas. Sabi ko sa sarili ko, may makukuha naman akong trabaho. Kaya kong mabuhay uli roon. Doon na lang ako magsisimula ulit.
 
Pero naisip ko, mahihirapan din ako. Kaya naisip kong sa ibang bansa na lang pumunta, kahit saan basta makakakuha ng mas maayos na trabaho. Marami akong naisip na paraan, inilatag ko lahat ‘yun.
 
Pero tinanong ko ang sarili ko, saan ko ba talaga gusto. “DITO!”, ‘yun lang ang sagot ng puso ko. Medyo nainis ako at sinagot, “Wala namang nangyayari sa akin dito.” Sinabi niya sa akin, “Dito ka pinapunta dahil may dapat kang gawin dito at hindi ka pa tapos. Nagsisimula ka pa lang.” Naiiyak na ako, “Kung dapat akong mag-stay dito, bakit ko kailangang mahirapan?” I was answered firmly, „Dahil kailangan mong matuto.“ Pinilit ko ang gusto ko, „Pero ayaw ko nang mag-aral at wala naman akong makitang trabaho. Sa escuela na lang napupunta ang sueldo ko, hindi ko na natulungan ang familia ko.“ Matigas pa rin siya, “Stay and you will be rewarded.” Pero ayaw kong tanggappin, “Hirap na ‘ko. Ano’ng gagawin ko?” Sinabi n’ya, “Mag-enroll ka sa next sem para siguradong makapag-stay ka nang legal at walang problema.” Sumagot naman ako, “Ang laki ng perang mawawala sa akin tapos hindi ko naman gusto ang gagawin ko. Nagsasayang lang ako.” Isa lang ang sinagot n’ya, “Mas malaki pa d’yan ang ibabalik sa iyo sa huli.” Umiyak na ako pagkatapos noon. Alam kong wala akong magagawa at kailangan kong sumunod. Yumuko ako nang makita ko na may mga taong daraan, ayaw kong makita nilang umiiyak ako. Sinabi ko na lang sa Itaas, “Kung gusto n’yo ‘to, gagawin ko. Samahan n’yo lang ako.”

Omens
 
Alam ko na ang gagawin ko pero may doubts pa rin ako kasi ayaw ko ng plano. Labag pa rin sa kalooban ko pero sinunod ko lang. Nagdasal na lang ako, nag-novena dahil sa hindi ko pa rin sigurado kung tama ang sabi ng puso ko.
 
Isa sa mga hiling ko sa novena, ’yung pag-aayos ng papel ni daddy patungo sa Roma. Na-delay na ng two months ang pagpunta n’ya roon. At dahil doon, wala siyang sueldo kaya wala rin siyang mapadalang pera kina mommy. Wala naman akong maibigay kasi, short din ako. I felt useless kaya I really prayed hard na maayos na ang papel niya dahil kapag nakapunta na siya roon, malaki ang posibilidad na mukuka niya si mommy at mas magiging madali para sa amin ang lahat, financially.
 
Wala pa ako sa kalahati siyam na araw ng novena, nakatanggap kami ng tawag na aalis na si daddy. I was so happy! That was an omen! It has given me hope. Na-realized ko na some things take time. Kaya naman naging masaya ako.
 
***
 
A few days after that, ate LT called me. She told me that she will be needing people in January but she can only offer me an internship. She told me to start first as an intern and then after I’ve had the experience, I would be easier for me to apply to them. With that, hindi makikita ang politics. Pumayag ako, that is a big opportunity for me. That was the second omen.
 
***
 
Kahit pa maganda na ang mga nangyayari, dumating pa rin ako sa punto na natatakot dahil walang kasiguraduhan ang lahat. Lulugo-lugo ako noon pauwi at naisipang dumaan sa simbahan para mag-dasal. Nakita ako ng isang kaibigan ng mommy ko na kapitbahay ngayon ng tita ko. Tinawag niya ako at kinausap, kaunting kwentuhan at kumustahan. Galing daw siya sa immigration at binigyan ng permanent visa. Tuwang-tuwa siya dahil hindi na niya kailangang mag-renew. Sinabihan din daw siya na puede na siyang mag-apply for citizenship next year.
 
Nang malaman niya na pupunta ako ng simbahan, sumama siya para magpasalamat. Nagka-kwentuhan kami tungkol sa akin at sinabihan niya akong huwag mawalan ng pag-asa.
 
After our prayer, she has given me a little present. Dalawa raw ang binili niya at sinabi niya sa sarili niya na ibibigay niya ‘yung isa sa sino mang una niyang makakausap. Nang buksan ko ‘yun, nakita kong isang angel! Sabi ko sa kanya, kailangan ko ‘yun; guardian angel. Nangiti siya at sinabing para sa iyo ‘yan. Naghiwalay na kami pagkatapos dahil bababa pa ako sa crypt para magdasal sa blessed sacrament. Habang papalapit ako sa altar, hindi ko maiwasang maiyak dahil sa isa na namang omen. Isa na namang pag-asa. Umiiyak ako hanggang sa harap ng blessed sacrament. I can’t stop praising Him. Kapag down ka, talagang i-li-lift up ka Niya. Sobrang blessed talaga ako. I can’t thank Him enough.
 
***
 
It was Monday, 4 December; the groups in Marketing presented their reports. We are the second group and grabe ang kaba ko. That was my second time to report in German. Pero ‘yung first ko, sa German class lang kaya naman mas kabado ako rito. We practiced during our lunch break at kahit pa may notes ako, bulol pa rin akong magbasa at ang lakas ng pintig ng puso ko. Naka-ilang yosi nga ako noon eh.
 
Before the presentation, may break kami kaya naman nag-practice ulit ako. Some of my classmates wished me good luck and I found it so nice kasi alam nilang kabado ako at hindi naman magaling sa German. Kabado ako hanggang sa tawagin kami. I took a deep breath at iniwan ang kaba sa upuan ko, although may natira at naisama ko sa harapan.
 
Part ko na! May lumabas namang boses at maayos naman. Paminsan-minsan tumitingin ako sa notes ko lalo na kapag mahirap ‘yung terminologies at nabubulol ako. Tumitingin ako sa mga kaklase ko pati na rin sa professor ko. Sa tingin ko nga, lahat sila nakikinig sa akin eh.
 
After our report, may mga nag-comment sa mga kaklase namin. Isa sa kanila ‘yung huling nag-good luck sa akin. Hindi ko nga alam ang pangalan niya dahil hindi ko siya kaklase sa lahat ng subjects. Hindi ko rin siya nakaka-usap, ngitian lang kapag nagkikita. Sabi niya, nagustuhan daw niya ang style ko kasi nakipag-eye-to-eye contact ako sa kanilang lahat at malinaw daw ang report ko. Sinegundahan naman ng professor na, very good nga raw ako at malinaw ang paliwanag ko sa part ko. I was so happy that time. Napakagandang compliment nun. Nadagdagan ang self confidence ko. As a thank you, I look at my classmate’s eyes, smiled and bowed my head. He smiled at me then.
 
After class, sinabihan ako ng ibang classmates ko na maayos nga raw ang ginawa kong report. Napataas ang noo ko nang kaunti. Normally, nakayuko lang ako dahil hindi ako confident pero dahil doon, nalaman ko na I’m not as bad as I thought I was.
 
***
 
That week, ate Heidi called me naman. She told me that her colleague needs contractual employees for two months starting January. She told me that she will be forwarding my CV to them and will be giving my number. And they might call me. This is another omen.
 
Last Monday, she called me again. Natutulog pa nga ako eh. Sabi niya, her colleague has sent me an e-mail and they want me to send my Personal History Form to them. And they might call me. She also told me na ayusin ko na ang form pero natulog muna ako.
 
Tapos, tinawagan ako ng colleague niya. Tulog pa ang boses ko nang sinagot ko ang phone. I was asked if I was interested for a two month contract and if am available this Wednesday for an interview. Siempre naman, oo agad ako.
 
On Tuesday, I sent them the form and then ate LT called me. I was at the seminary at that time. I went to Fr. Jun for lunch after my English class. She told me to fix the form before sending it. They work under the same organization kasi, different departments lang. I told her that I have already sent it. Nakupo! She said it’s okay; we’ll fix it, send it to them and just make an excuse.
 
Sitting at Fr. Jun’s office, we fixed the form via phone. She did an excellent job. Nang makita ko ‘yung revisions niya, kahit ako na-impress. Ang ganda ng kinalabasan. Para bang ang dami ng ginawa ko at professional pa. So, I sent it again and made an excuse that I have sent the wrong file.
 
Hindi pa dun nagtapos, she also e-mailed me some tips like on how to dress, how I should present myself, on not forgetting my eyeglasses etc. Sabi pa nga niya, italic ko ang buhok ko dahil baka ako putulan dahil ’yung mag-i-interview sa akin bagong gupit daw. Mag-ahit din daw ako.
 
Tapos, nang nasa train na ako, tumawag uli siya. Kakausapin daw ako ni Jaz, co-worker niya at kasama rin namin sa youth group. Binigyan niya ako ng tip kung ano ‘yung posibleng tests ko. Pinay din daw ang gumawa ng test at sinabi niya nga kung ano ‘yung posibleng test. At least alam ko na. Pinahabol din nila na hindi dapat mawala ang eye contact sa interview.
 
All out ang support ng mga kaibigan kaya naman ang saya ko noong araw na ‘yun. At sa susunod… interview.

Posted by ays at 11:51 AM | 12 minds blown

ays has disabled commenting.
Comment posted on January 2nd, 2007 at 01:54 PM
Ang haba nga! Wow! Galing-galing naman you! Happiness ako ever sa mga nangyayari sa iyong adventurous life. Pray ako na sana matanggap ka sa internship program mo.

Siguro nga may purpose ang buhay mo jan, just imagine the people you've so far touched. Siguro nakita nung anonymous classmate mo ang kindness and sincerity in your heart kaya mega support siya ever sa'yo.

Oh well balitaan mo na lang kami pag nagsisimula ka na sa internship mo. Which I'm sure eh soon na.

Blessings to you and your family this new year.

Cheers!
Comment posted on January 3rd, 2007 at 06:51 PM
hey! kumusta na? naging busy ka yata. na-miss ko ang mga comments mo! ;-)

thanks! may kasunod pa 'yan. basahin mo 'yung bago. and hindi internship ang nakuha ko. 2 month job with pay! hehehe.

thanks ulit! happy new year and i wish you a great one.
Comment posted on December 31st, 2006 at 05:32 AM
Kung anuman ang magiging decision mo remember na were always here for you kahit na your too far beyond our reach. Take Care!! HAPPY NEW YEAR!!!!
Comment posted on January 3rd, 2007 at 06:47 PM
thanks! happy new year too! read my new entry!

miles (guest)

Comment posted on December 22nd, 2006 at 12:52 PM
I read the Alchemist on my flight back to Australia on 14 November. It was an excellent read...at na identify ko sarili ko dito. Kasi I always follow my bliss...

Good luck and Merry Christmas
Comment posted on December 23rd, 2006 at 03:20 PM
i guess lahat tayo, ma-identify sarili natin sa story. i'm currently reading the warrior of the light. it's great too!
Comment posted on December 21st, 2006 at 03:35 AM
you lost man? wahaha. hinahanap mo ang sarili mo? hmmm. mahirap nga yan. :p kuya? taga san ka d2 sa pinas?
Comment posted on December 23rd, 2006 at 03:18 PM
each one of us must do it to find one's purpose. ;-)

taga-obando ako, sis.
Comment posted on December 19th, 2006 at 05:26 AM
OMG!!!! napaka haba naman ng entry na'to!!! parang isang buwan na walang jakol ang katumbas nito ah!... (lampas ulo ang tilamsik) :jester:

pero ur right....lahat ng bagay dumarating sa tamang oras... take my word for it.... masyado akong naghirap this year but in the end it was all worth it! just follow ur heart and lahat ng gusto mo mangyayari;)

merry christmas
Comment posted on December 19th, 2006 at 02:23 PM
sa tagal ko ba namang hindi nag-update, eh talagang titinlmsik 'yan sa'yo. unang putok pa lang 'yan dahil wala pa ang interview at result.

i'm really happy about it and sa bandang huli mo talaga ma-re-realize kung bakit mo dapat pagdaanan ang lahat ng hirap. and it's all worth it.

merry christmas din. saan ka nga pala magpapasko? tawagan kita.

sabi ni tibo, mag-line ka raw para makabenta naman siya. hehehe
Comment posted on December 18th, 2006 at 04:06 PM
bk yan ang regalo sakin sa exchange gift sa team nmen.. coelho..
Comment posted on December 19th, 2006 at 02:15 PM
bilib talaga ako sa kanya! ang galing n'ya. i'm currently reading his "manual of the warrior of light". inspiring din 'to.
site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links