Update...
It has been a month since the start of the semester and since then, I’m lost. I have come to realized that I have made the wrong decision. I may have the right reason for staying here but unfortunately, I chose the wrong option to be able to fulfill that reason.
Call me stupid! Call me dumb! Call me whatever you want to. Just tell me why I always end up on making the wrong decisions. Hindi ba talaga ako marunong mag-desisyon?
I’m stressed and burned out. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.Gusto ko nang mag-trabaho. Gusto ko’ng magkaroon ng career. Gusto ko ng bagong buhay. Gusto kong umangat at umasenso. Gusto kong matupad ang mga pangarap ko. Gusto kong magawa ang mga ito habang bata-bata pa ‘ko.
Hindi na ako bata at araw-araw lagi kong naiisip na pumapatak ang oras at tumatakbo ang panahon. Hindi ako hinihintay nito at iiwanan ako nito kung hindi ako kikilos. Wala itong pakialam sa akin.Sa tatlong taon na inilagi ko rito ayaw kong isipin na walang nangyayari sa akin at walang kwenta ang tatlong taon na ‘yun. Maaaring sa tatlogn taong nagdaan ay wala akong inatupag kundi mag-aral ng German at maglingkod sa simbahan. Sa mga panahong iyon, lumago ang mental, emosyonal, sosyal at lalong higit ang ispiritwal na aspeto ng aking buhay. huwag na nating idamay ang lablayp at sekslayp sa usapan dahil zero ako pagdating doon. Sabihin na nating, “You can’t have everything!”
Apostolic duty, (Ano daw? Ano naman 'yun?) ito siguro ang dahilan kung bakit ako napadpad dito. Nai-kwento ko na noon kung bakit ako napunta rito. Sumond lang ako sa agos dahil noong mga panahong iyon, hindi ko na alam ang gagawin ko. Naisip kong umuwi rin pagkaraan ng ilang buwan pero kinailangan kong manatili hanggang sa hindi na ako maka-hindi. Sabi ko noon, tatapusin ko lang ang World Youth Day pero pagkatapos noon, hindi ko na maiwan ang TROPA. Siguro naman kahit paano ay naging mabuting halimbawa at naging inspirasyon ako sa kanila. Dahil alam kong marami pang puedeng gawin para matuto sila at dahil ayaw ko rin namang iwanan ang mga namumuno sa grupo nang mag-isa, gusto kong magpatuloy. Pero kailangan ko ring isipin ang aking kapakanan. Hindi naman siguro masama ‘yun.Siguro nga totoong you can’t have everything! Isinantabi ko noon ang mga bagay na gusting-gusto kong gawin. At nang dumating ako rito, nagawa ko silang muli. Dahil sa paging akitbo sa simbahan; kumanta, sumayaw, nagsulat at ang pinakahuli, umarte ako. Nagawa ko rin ulit na humawak ng pinsil at paglaruan ang mga kulay. Ito ang mga bagay na gusto kong ginagawa higit sa lahat dahil mas masaya ako at masarap ang pakiramdam habang ginagawa ko ang mga ito. Artista nga siguro ako.
Pero hindi naman ako kumikita rito. Kailangan kong humanap ng trabaho para mabuhay. Puede ko namang gawin ‘to kahit may trabaho ako. Can i do both so i can enjoy my life more?Dalawang lingo na ang nagdaan magpasa ako ng resumé. Siguro kailangan kong palitan ang availability ko para mas makakuha nang mas malaking chance. Pero kung sakaling matatanggap ako roon, kailangan kong umalis ng Germany. Bagay na ayaw ko sanang gawin para hindi maiwan ang gawaing simbahan. Pero, you can’t have everything daw!
Sinabihan na ako ng mga kaibigan ko na kapag may alam silang job vacancy sa trabaho nila, sasabihan nila ako kaagad. Pero sana may makuha ako agad para matapos na. Kung dito ako makakakuha ng trabaho, mas mainam dahil hindi ko na iiwan ang TROPA.Pero dahil sabi nga, “You can’t have everything!“, kailangan kong maniguro. Naisip ko na ring mag-apply na US visa gaya ng sabi ng tita ko. Kahit ayaw kong pumunta roon, tama na rin siguro ‘yun. Naisip ko ring sundan ang Daddy ko sa Rome kung sakaling maayos na niya ang papel niya.
Gusto kong gawing last options ang mga ‘yun kasi nga gusto ko pa rin ditong mag-stay. Naisip ko na rin na kagatin ang offer ng kaibigan naming na alagaan ang mga chikiting nila sa gabi. Makakakuha ako ng legal permit to stay tapos makaka-pag-part time pa ako sa araw. Pero tama nga ba ang desisyon na ‘yun kung gusto ko lang mag-stay dito? Madaming option ang nabuksan pero kailangan timbangin para malaman kung alin sa mga ito ang tama o mas mainam para sa akin.Naguguluhan ako hindi lang dahil sa pagpili ng option pero dahil na rin sa escuela. I’m already frustrated kasi hindi ko maintindihan lahat. Hindi ko alam kung dahil sa hindi ko maintindihan lahat ang langguage o dahil mahirap ang lesson lalo na ang Math at Programming o dahil sa wala na akong interes mag-aral uli. Malamang na ang sagot ay ang huli.
I have to partly blame myself, if not to put all the blame on myself. I should have dealt with this a long time ago. I should have made wiser decisions. I should have chosen to try the other options. Have I done so, I wouldn’t be having a hard time now. Should’ve, could’ve, would’ve! Sometimes, we have to learn from our mistakes. And I’m the master on that.This has been a burden to me. I have been stressed lately. People already notice it on my face. Silent, I’m no longer as lively as I was before. I’m always thinking deeply, as my classmate has always noticed.
Sometimes, I wish there’s a rewind button for us to be able to make some changes in our lives or at least a pause or stop button. But they don’t exist.I guess, “You really can’t have everything!"
*** I've talked to my friends about it. Although I haven't had any concrete idea what to do, it felt great that are people around you who are willing to help. One of my friends has asked me what I really like to do. That thought has made me think to rank the options depending on what I like to do the most. I'm slowly making steps to achieve my goal. I just hope it'd work.
Posted by ays at 08:38 PM | 6 minds blown

