Entablado
Natapos na rin ang puyatan, kabisaduhan, adjustment ng schedules para sa practices, pag-di-diet, kalituhan, pagiging hectic, pag-o-organize at kung anu-ano pa. Tinapos 'yan lahat noong Sept 9! Ang second and last playdate ng play namin.
Mahirap palang mag-artista pero enjoy ako. Ito ang isa sa mga gusto kong gawin. May challenge! Ibang-iba! Makulay! Basta, iba 'to!
Hindi ko 'to gusto dahil sa papalakpakan ka ng tao o dahil sa pupurihin ka nila. Sabi nga ni Ate Vita, at biruan na namin. "Nananalantay sa aming mga ugat ang dugong artista!" (Habang naka-unat ang kaliwang kamay at ang mga daliri sa naman kanan ay nakapilantik at kumakaway mula sa kabilang kamay patungo sa balikat. Malinaw ba?)
Noong grade 6 ako, isinulat ko sa year book namin "To ba an Artist". Iba sa karaniwang pangarap ng mga kaklase ko. Noon kasi, sumasayaw, tumutula, kumakanta, nag-drawing, sumusulat ng tula, at kung anu-ano pa ang ginagawa ko. Unti-unti na lang natigil 'yun nang mapunta ako sa high school. Mas inatupag ko kasi ang barkada at girlfriend. Mas nag-enjoy din ako sa college kaya tuluyan ko nang isinantabi 'yun. Ngayon ko lang ulit ginawa ang mga bagay na talagang gusto ko. Kaya siguro enjoy ako dito.
Sayang nga lang kasi wala akong na-perfect kahit isa sa mga talents na 'yan. Kung nag-focus siguro ako at sinubukang i-develop kahit ano sa mga 'yun, ako na sana ang mag-tuturo imbis na tuturuan.
Pero ang sarap pa rin ng feeling! Natural high! Isa kasi ako sa sumulat ng script ng play tapos umarte pa. One thing na bago para sa akin. Tapos succesful pa! Not to mention na medyo controversial din! Hehehehe.
I would definitely want to do it again. GUsto ko pang mahasa. Ang galing kasi ni Kuya Lando, a former PETA member. He has enabled us to take out our best. Damn! Comedy ang gusto kong gawin sa susunod! Hehehehe
Next week, simula ng Orientation namin sa school. Sana mababait ang mga kaklase ko. Sana maging okay. Sana makatikim... Hehehehe
Posted by ays at 04:24 PM | 4 minds blown
