At the practice of the TROPA choir last Saturday, I was saddened because the attendees are only ten. They used to be more than 20. Matamlay akong umuwi ng bahay. Wala na nga kaming instrumentalist, iilan pa ang mga kakanta! Kaya nga naka-CD na lang ang music namin dahil mas mahirap mag-acapella. Haaayyy…
Pero marami namang pumuri sa pagkanta ng TROPA. Sabi nila, kahit daw kakaunti lang ang mga kumanta, malakas at buo pa rin ang boses ng choir. Marami ring nagandahan sa minus one na ginamit namin.
Well, at least medyo nabuhayan ako ng loob dahil doon. Siguro, we should concentrate on what we have at the moment. I guess we should focus on developing the talents of the regular attendees. Our members are really talented. Most of them can play an instrument, kulang nga lang sa practice at proper training kaya ayaw nilang tumugtog. Most of them have good singing voices.
Geeze! We have to really work hard to help these youth develop their talents.
***
The celebrant yesterday was the one-week old priest, Fr. Joseph. He celebrated his first Sunday mass after being ordained as a priest last week. I attended the Ordination last it and it was my first. Ganun pala ‘yun, ang haba ng seremonia. Pero happy kasi madaming pag-kain at masaya kasi sama-sama ang mga Polish, Ghana, Indonesian and Filipino community na nag-celebrate. Galing sa mga countries na ‘yun ang mga bagong pari.
After the mass, I went to the Sacristi to talk to Fr. Jun, our chaplain, and to also congratulate Fr. Joseph. It really feels weird talking to him kasi when he was still a seminarian; I call him by his name and talk to him as normal lay person. Pero ngayon may “Fr.” na tapos nag-mano pa ako kahit pa hindi magkalayo ang age at height namin.
While we were there talking someone asked if there will be new seminarians from the Philippines to study here kasi Fr. Joseph is the last Filipino seminarian. Fr. Jun told us that two new seminarians will be arriving this year although they will still have to study up to four years. He then jokingly told us; “Pero okay lang kahit walang dumating na bagong seminarista, and’yan naman si Ays… ang kasunod!” Nandilat ang mata ko, ngayon lang ulit ako sinabihan nang ganyan. Oh! Have I tried to avoid being coined as a seminarian or priest! Kaya nga ako nag-pahaba ng buhok at nagpa-mukhang hindi desente eh.
Pero nagtawanan lang silang lahat at sinabi ni Ate Vita na magugulo ang seminario kung papasok ako doon. At least may naniniwalang hindi ako bagay doon.
Wish ko lang marunong tumugtog ‘yung darating na seminarista at willing siyang tumulong sa TROPA para gumaan naman ang trabaho namin.
***
After ng mass, pupuga na sana ako pagkatapos mananghalian sa simbahan. Gawain ko talaga ‘yan. Makikikain muna tapos sisibat na. Hehehe. Kaso, nagyayaya si Ritchie sa KFC dahil trip daw ni Grace kumain doon. Ako naman, kahit bundat na sige pa rin. Kaya pumuslit kami kasama si Kuya Lando.
Damn, puno ang t’yan ko! Nadagdagan na naman ang taba ko!
***
Umuwi na kami pagkatapos pero nagyaya pa si Kuya Lando na pumunta sa isa naming kaibigan, si Jessie. Ayaw ko sana kasi gusto kong maagang umuwi pero dahil matagal na akong hindi umiinom ng red wine, sige join uli. Pero umuwi muna kami sa kanya-kanyang bahay.
Sinubukan kong tawagan si Mama lhen, dahil sabi ko sa kanya tatawagan ko siya after ng mass, pero tulog na siya. Inuna ko kasi ang pag-kain eh. Hehehe. Hmmm... I wonder kung sino ang lalaking sumagot sa phone. Papa kaya niya?
***
Kina Jessie, nag-barbeque ang asawa niya. Solb na naman kasi ang sarap magluto ni Rizza. Kapampangan kasi eh. Bundat na naman ako pero okay lang minsan lang ulit kumain nang may kasamang red wine. Damn! Those wines are great!
Dahil may Football, nanood kami habang umiiinom. Wala akong interes sa laro pero, sige lang. There’s always a first time for everything! Yup! First time kong manood ng Football game. Okay naman pero hindi talaga ako sports fan. Although medyo nadadala ako kapag muntik nang ma-goal! Talo ang Netherlands sa Portugal, 1:0. Mainit ang laban, muntik pang mag-away ang mga players! Ang saya!
***
Pagkatapos ng Football, inilipat nila sa TFC. “Magandang Umaga, Bayan!” ang palabas, live pa! Hanep, ang galing! Para lang akong nasa Pinas. Isang kapansin-pansin sa progama ay ang lively na pag-ho-host nila. Hindi tulad sa morning shows dito, mga matamlay. And to think na 6 am ang start ng morning show dito. Hahahaha
Then, inilipat nila sa ASAP, ‘yung replay ng Sunday na nagdaan mismo. Ang sarap manood! Kaya nga lang, I keep on interrupting them on asking “who’s this?” and “who’s that?” and “Is that…” Ang dami ko nang hindi kilala at hindi nakilala. Minsan sasabihin ko na lang na; “Siya pala ‘yung kumanta ng…” Wala na talaga akong alam sa atin!
One more thing na napansin ko sa mga artista sa atin, pareho lang kami ng mga isinusuot! Kung ano ang suot nila sa show, ganun din ang suot ko... tuwing autumn at winter!!! Ako ang naiinitan sa kanila. Oh my gulay! Below five degrees ba ang temperature sa loob ng studio? May spot light pa na nakatapat sa kanila, and init kaya nun! Grabe naman, para lang pumorma magsusuot sila nang ganun? Dito kasi kahit taglamig basta nasa loob ng studio, manipis lang ang suot nila. Baliktad nga talaga ang mundo!
***
Na-late ako ng gising kaya hindi na ako pumasok. Bad trip ako kasi wala sa plano ko'ng hindi pumasok ngayong araw. Saka I always want to start my day right and early. Well, wala akng magagawa. Kailangan ng katawan ko ng pahinga.