nOiSiErDiSpUtE

Entries for May, 2006

May 7th, 2006

*Makuntento ka!

Habang nagpuputukan sa labas dahil Rhein in Flammen (Rhein river in Flames; a Fireworks display at the Rheinauenpark with parties and concerts), nandito ako sa loob ng bahay. Nagpapaputok din! Ahehehehe. 
 

Seriously, dapat nasa labas din ako, sa park, kasama ang ilang kaibigan para mag-grill at mag-picnic habang hinhintay ang gabi para sa fireworks. Kaso nalanghap ko yata ang lahat ng pollen habang naglilinis ng bintana kaya parang kanonood ko lang ng MMK sa pamamaga ng mata ko. Mas barado pa yata sa kanal ng Metro Manila ang ilong ko dahil na rin dito. Uminom naman ako ng gamot, kaya lang maya’t maya ang atake ng allergy kaya minabuti ko na lang na umuwi at magpahinga. Baka lalo lang lumala ito kapag pumunta pa ako roon, marami pa namang puno dun.
 
*Makuntento ka... sa bahay!
 
Spring na ngayon, namumukadkad at namumulaklak na ang mga puno’t halaman. Napupuno na ng matitingkad na kulay ang paligid at humahalimuyak ang simoy ng Tagsibol. Hudyat ng pagpasok ng... (Ha-Ha-Ha-HAATTCHOOO!!! Pahid ng tissue sa ilong at konting singa.) ... Tag-init. Hatid din nito ang allergy.
 

Mas malala ang allergy ko ngayon. In full bloom na compared to last year na nagbara lang ang ilong ko. Ngayon pati mata ko apektado, para akong hinihilam ng shampoo. Sana lang maglabasan na  ang lahat ng pollen para  naman matapos na ang pagdurusa naming may mga allergy. At nang sa gayon, lalo kong ma-enjoy ang pagpasok ng Tag-init simula sa escuela.
 

Dahil umiinit na, umiinit na rin ang mga tagpo sa school namin, parang Korenovela. Umiigsi, nababawasan, lumiliit at numinipis na ang mga kasuotan ng mga estudyante kaya naman fiesta ang mata mo sa mga lumalabas na mga balat. Pagandahan na ng mga wankata. Hindi ako uubrang sumali! Bumabakat na ang ilang malalaking parte ng katawan. Sa kaso ko, ‘yung tiyan! Kaya naman hindi mo maiiwasang lumingon lalo na kapag nagbilaran na sila sa campus grounds na animo mga daing na pinatutuyo sa ilalim ng araw. (Pahid uli ng tissue... sa bibig naman!)
 
*Makuntento ka… na lang sa tingin!
 
Okay ang tanawin dito. Minsan nga lang... hindi okay ang amuyin! Taena! Ang tindi nila, mga tsong! Mainit na nga pero hindi pa naliligo. Hindi ko na iisa-isahin kung anu-ano ang mga nationalities nila kasi baka kasuhan ako ng Discrimination at Racism. Pero grabe talaga, parang gusto mo silang hilahin patungong banyo at kaskasin ang kili-kili nila.
 
*Makuntento ka… sa kung ano ang naaamoy mo!
 
Fiesta ngayon sa isang barrio sa Valenzuela kung saan ngayon nakatira sina Mommy at Ate. Sinabihan akong tumawag dahil pupunta raw ang mga kamag-anak namin. Tiyak na masaya na naman at mabubusog na naman sa sarap ng mga handa. Ako, ito pa rin. Magtitiis sa mga iniinit na pag-kain!
 
*Makuntento ka... sa tawag!
 
Fiesta season na naman at hindi maalis na alaala ko ang mga tradisyon sa amin. Sa Obando kasi ako lumaki kaya sanay ako sa malaki, makulay at magarbong fiesta. Hindi importante sa akin ang pag-kain, enjoyment ang trip ko. At talaga namang enjoy ako sa fiesta namin.
 

Dahil active ang Daddy ko sa pangangasiwa ng barrio fiesta namin noon, alam ko halos lahat ang palaro at palabas na ginagawa. Pati na mga preparasyon tulad ng pang-ha-hunting sa mga politico para makabawi sa mga nabulsa nila hanggang sa pagsasaayos ng entablado.
 

Pero ang fiestang bayan ang na-miss ko nang sobra. Hindi dahil sa mga artista at politikong nagsasayaw doon para humiling ng pagkita ng pelikula o paglaki ng pork barrel nila kundi ang saya ng pagsasayaw sa daan nang walang pakialam. Kung susuwertihin ka pa, mapapanood ka sa TV na malamang ay Kapamilya dahil taun-taon silang nandoon.
 

Anak ng tinapa! Naalala ko na lagi akong bumibili ng suman at kalamay na maraming latik! Paborito ko ’yan. Saka ’yung tamalis... saka marami pang iba! Hahaba lang ang listahan. Basta iba ang atmosphere sa amin kapag fiesta. Biglang nag-iiba. Mula sa isang tahimik at maliit na bayan, nagiging parang EDSA! Ang saya!
Ilan na nga bang mga kaibigan mula sa Maynila ang nadala ko sa bahay (para ialay)? Jowks lang po!
 
*Makuntento ka… sa pag-re-reminisce!
 
Miss ko na rin ang beach lalo na nang makita ko ang mga pics nila...
 
*Makuntento ka... sa paliligo sa banyo!

Hindi pa tapos ang entry ko!
 
*Makuntento ka... sa haba ng entry na ‘to!
 
Tek...
 
*Makuntento ka na!
 
Per...
 
*Makuntento ka!
 
San...
 
*Makuntento ka!
 
Ok...
 
*Makuntento ka!
 
...
 
*Makuntento ka sabi eh!
 
!?!
 
*Ummm...
 
 

Posted by ays at 05:19 PM | 26 minds blown

May 16th, 2006

Stress

Sa Reading Comprehension namin last week, STRESS opic namin. Nakasulat doon kung ano ang stress, anu-ano ang uri nito at kung anu-ano pa. Nalaman ko na may Chronic Stress ka kapag you feel exhausted most of the time you’re tired even in the mornings and you can’t fully concentrate. Parang mayroon ako nun.

*Malamang!!!
 
For around two weeks now, ganoon ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit. Basta sa umaga parang laging kulang ang tulog ko kahit na mahigit sa 5 hours ang tulog ko. Para rin akong laging nanlalata.
 
Naisip ko kanina na baka dahil isang beses araw-araw na akong nagkakape, pero hindi rin naman ganoong kalakas ako mag-kape. Hindi naman malakas ang 3 cups a day? Pero baka naman dahil sa pollen allergy ko. Sinisipon kasi ako kaya posible na ’yun ang dahilan kung bakit ako parang nanghihina. Saka madalas nga apal akong magising sa madaling araw dahil sa pagbabara ng ilong ko. I have to take the nasalspray para lumuwag ang paghinga ko. Sa ngayon, hindi na gaanong malala ang allergy ko. Hindi ko nga lang alam kung dahil ba umulan last weekend at nahugasan ang mga puno’t halaman na nagpapahirap at nagpapasakit sa akin.

*Kulang ka lang sa … hehehe
 
Ewan ko, basta ang alam ko, gusto kong matulog nang mas mahaba at mas mahimbing. Hindi nga lang puede kasi kailangan kong gumising nang maaga para pumasok sa school. Tapos, magtrabaho para kumita ng pera para may ipambayad sa phone bills ko. Mayroon pa akong mga weekly meeting para sa pagsusulat ng play at mayroon ding choir practice. Naisip ko na nga ring magbawas ng mga actividades.

*Well, nabawasan mo na nga ‘yan eh!
 
Isa pa sa nagbiga ng stress sa akin, ang pag-iisip na naman ng kung ano ang gagawin ko sa buhay ko! Gusto ko na talagang umiba ng direksyon kaya lang wrong timing lagi! Saka feeling ko rin naman hindi ko pa kaya. Hindi ko pa rin naaayos ang mga priorities ko. Siguro kapag naayos ko na ‘yun saka ko malalaman kung ano ang mas magandang desisyon.
 
Actually, naisip ko na ring umuwi na lang at bahala na kung anong klaseng hirap ang suungin ko. Medyo malapit na nga akong pumayag kaya lang naisip ko na… SHIT! Titira ako sa nanay ko!!! Disaster ‘yun! Hindi na ako sanay nang may kasama sa bahay, lalo na ang sabihan kung may lakad (*o eye ball lang), kalian ako uuwi (*o one night stand lang), uuwi pa ba ako (*o baka mapikot na), saan ako pupunta (*malamang sa potipot), sino ang kasama ko (*mga blogmates). At higit sa lahat ng ayaw kong tanong, “Bakit?”
 
Don’t get me wrong. Okay naman ang relationship ko sa pamilya ko. May sanay lang akong maging independent. Hindi siguro totally independent pero super close na run dahil ganun ako lumaki. Kaya nga siguro kung minsan para akong bata kasi lumaki akong dapat alam na ang gagawin.

*Kahit minsan hindi!
 
Dahil sa stressed ako, hindi dapat ako pupunta sa Mrs. Philippine Beauty (Ang pangit ng title! Hindi ko trip!). Pero dahil sa alam kong pupunta ang ilan sa mga kaibigan ko, pumunta na rin ako. Naligo ulit ako at nagpabango gamit ang Acqua di Gio na natabunan naman ng amoy pawis dahil sa kakasayaw. Hindi ako interesado sa panonood ng contest. Kaya ako pumunta roon kasi may banda at gusto kong sumayaw. Baka sakaling mabawasan din ang bilbil ko.

*Asa ka pa!
 

Nilapitan ako ng isang kaibigan, sinabihan ako na inakala raw ng kasama niya, DI ako! Saying! Sana sinabi niya na DI nga ako. Naka-side line sana! Hehehe. Pero okay lang, kahit hindi ako fully satisfied nung gabing ‘yun. At least nailabas ko ulit ang Party Animal! Heheh.

*Animal ka talaga!

Speaking of sayawan, bukas magsisimula ang fiesta sa Obando, May 17,18 hanggang 19. Pangatlong taon ko na itong hindi nakapag-fiesta. Tatlong taon na rin akong hindi nakakasayaw. Simula nang sumama ako sa mga kaibigan kong sumayaw sa prusisyon noon, sumama na ako nang taun-taon kasi naman enjoy talaga. Para siyang walking disco on the street puede ka pang mag-wish. Saan ka pa?

Hay! Nakaka-miss talaga. Sabi ko nga sa ate ko kuhanan ng video ang fiesta at ipadala sa akin para naman kahit papaano makita ko man lang.

*Oh, sha! Dance na!


Posted by ays at 07:22 PM | 38 minds blown

May 29th, 2006

*

*May ginawa akong entry pero nang pinost ko, biglang lumabas ang log in page at hindi na-save ang isinulat ko! Ayaw ko nang magsulat ulit at mahaba-haba rin 'yun. May inilabas din akong sentimiento! Pero lintek! Bwisit! Tagay na lang tayo!!!!

Posted by ays at 04:02 PM | 29 minds blown

May 31st, 2006

CROSSROADS

Bad trip talaga ‘yung isang teacher ko, sobrang boring at nakaka-drain kaya tuwing Monday at Tuesday, para kaming lantang gulay. But that’s another story I’ll tell next time. Kanina habang bad trip sa klase niya at nalaman kung gaano ang mali ko sa German grammar, naisip kong ayaw ko talagang mag-aral ulit lalo na na pre-requisite ang German language. I don’t want to go through all those stages again.

Contemplating on this thought as I was going to work, I saw myself in CROSSROADS. There are roads leading somewhere but I do not know which road to choose. Choosing one means leaving a road behind, the one where I am at the moment. This German Road has been my home for over 2 years and I feel sad having the thought of leaving it. But this road doesn’t offer much to my career.

There are roads leading to places where I can establish a career. The entry to these roads must be approved first though. Besides, which of these roads to take remains a big question to answer. A road going up north, a road going south and a road that may lead somewhere chaotic. And of course, there’s the road back home.

Sometimes I wish of having a map to be able to know which road could lead me to the right direction. But the roadmaps of our lives are made by us ourselves.

Sometime soon, I have to make the decision and pick a road to take. Having a hard time choosing which road to take… where to go…what to do… when to do it… how to do it…

I’m trap in a CROSSROADS…

* See you at the crossroads...

Posted by ays at 04:32 PM | 17 minds blown

site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links