I was asked by Paul via text message if I’m still alive. Siguro kasi I haven’t logged in sa tabulas last weekend. When I told him that I was busy during the Holy Week, he replied with, “Baka nagpaka-manong ka na naman…?” Natawa lang ako. Pagpapaka-manong nga ba ang pinaggagawa ko? Hmmm… kayo na ang maghusga!
Since the Easter will be specially celebrated once again, TROPA has decided to move the Bazaar we are planning to this date. This is a great opportunity. Filipinos from different places within the Archdiocese will be attending the mass and “The Bridges Choir”, a choir formed on December 2004 thru the initiative of Fr. Jun, our chaplain, will be singing. This choir is composed of choir members and representatives of different catholic and civic organizations within the diocese and has made its mark by singing Handel’s Hallelujah last year.
Our schedules have been so tight! Dinagdagan pa ng trabaho; in my case, assignments combined. Puyat kaming lahat with everything pero okay lang, diyan naman kami lahat addicted eh.
Holy Thursday, I went directly from school to my work and then derecho sa simbahan dahil kami ang kakanta. Puyat pa kami from choir practice since Tuesday, actually umaangal na nga ako kasi nanlalata na ako pero kailangan eh, kaya sige lang. Okay ang Washing of the Feet ngayon dahil may beamer pa kami, hindi boring kasi may nakikita kaming hi-tech. Hehehe. Nababasa ang mga lyrics ng mga kanta at iba pang pa-effect. By the way, nakalusot ako sa pagpapahugas ng paa dahil choir kami. Hindi ako naging Hudas!!!
After the mass, derecho kami sa Pabasa. Nostalgic!!! Ganito kasi sa amin sa Obando. Kinalakihan ko ang tradisyong ‘to dahil halos bawat kanto sa amin mayroong Pabasa. Ilan din sa mga kamag-anakan ko ang mayroon nito taun-taon. Kaya naman, marunong akong bumasa ng Pasyon. Itinuro ko nga sa kanila ang tono namin. Medyo nagulat sila kasi mabilis ang tono ko, ’yun kasi ang tono naming mga kabataan sa amin. Hindi katulad ng mga tradisyonal na tono ng mga Forgets!
The next morning, Via Crusis naman. Ako ulit ang assigned na pumili ng mga youth na babasa tulad last year. Kaya lang, ngayong taong ‘to, ilan sa mga bata ang nag-last minute back-out! Kaya naman nawindang ako sa paghahanap ng kapalit. Okay naman kaya lang hindi ko sila na-practice kaya maraming mali! Ayaw ko pa naman ng ganoon. Pero okay lang, carry na! pinuri naman kami ni Fr. Jun at Fr. Bobbie, eh!
After naming mag-lunch, Seven Last Words naman. Aba, mas okay ang Powerpoint presentation! Para kang nasa meeting kasi may mga bullets based sa mga binabasang reflections. Hehehe. Then, nag-ayos na kami ng mga gamit namin para sa Sunday. Akala ko hindi na kami mapupuyat, ganun din pala.
Black Saturday, maaga rin akong gumising kasi gagawa pa ako ng Buko Pandan at Fruit Salad na ititinda namin kinabukasan. Pinagluto ko rin ang daddy ko ng Tortang giniling at Pritong lumpia. Noong hapon, nagpunta na ulit kami ng simbahan para sa preparation ng mga gamit at para na rin sa choir practice. Lalo yata kaming na-windang dahil sa pressure. May mga nakalimutan pa!!!
Easter Sunday, This is the day! Ang bilis ng oras at marami pa kaming dapat ayusin. Para kaming mga Easter bunnies na mabilis kumilos. Hindi na nga ako makapansin ng tao dahil sa dami ng iniisip! Ang tindi!
Okay naman ang kanta namin! Pasado na sa panlasa ng mga naroon. Pero bilib ako sa Powerpoint presentation! May mga animation pa! impressed tuloy ang lahat. Mga kasamahan ko rin ang gumawa n’yan na binasagan ni Fr. Jun na “Kuwago Team”. Ipa-trabaho ba naman niya ng rush, siempre puyat sila! Buti na lang hindi ako isinali kung hindi, naging kuwago rin ako!
Mas hectic ang Bazaar! Dinumog ang tinda naming mga pagkain pati na ang Flea market namin. Ewan ko ba pero hindi pinansin ang Ukay-Ukay. Marami siguro silang damit! May mga games din kaming pampamilya at siempre hindi mawawala ang Easter Egg Hunt. Masaya lahat! We weren’t expecting such atmosphere. Sulit ang pagod!
We have also auctioned the gifts that were given to us by the asian delegation last World Youth Day. Ito ang kumita talaga! Kahit ako, naki-bid at nakabili ng isang… ewan basta maganda siya! Hindi na naming ma-trace kung ano ito at kung saan ito nagmula eh. Basta maganda siya. Mag-re-research na lang ako tungkol dun.
Hindi roon nagtapos ang araw namin kasi ‘yung isang kasama namin, uuwi na ng Pinas kaya nag-farewell party pa. Hindi na nga lang ako nag-stay nang matagal kasi pagod na ako. Naputol nga lang ang tulog ko kasi nakalimutan kong iwan at nakalimutan ding hingin sa akin ang susi ng hall kaya dinaanan pa sa bahay ko.
Holiday pa rin, Easter Monday, mahaba ang tulog ko, mga 12 oras, pero inaantok pa rin ako. Mga banding hapon, nagpunta naman kami ng mga kaibigan ko sa bahay nina Rowena para mag-dinner. Masaya rin kami at puro tawanan kaya lang dahil sa gusto akong ipares ni Rowena sa kaibigan niya na hindi ko naman type, medyo nalungkot ako. Noon ko na-miss ang pagkakaroon ng partner. Sa tinagal-tagal ba naman, bakit nga ba hindi ko hahanap-hanapin ang mga lambing, suyuan, kilig, yakap, halik at… kung anu-ano pa. Malungkot akong umuwi ng bahay na iniisip ‘yun habang kumakanta ng “All by myself”. Hehehe. Seriously, tinamaan ako ng lungkot! Pero dahil sa mga kwentuhan namin ni Paul, medyo nahimasmasan naman ako kasi single din ang loko! Hindi ako nag-iisa! Hehehe. At saka marami ring single tulad ni Mama Lhen.
Post Script: Galing ako kanina sa Immigration Office. Dahil sa kaba na baka magka-problema pa, nagdasal pa ako para sigurado. Walang kung anu-anong proseso, binigyan ako ng panibagong permit hanggang 19 July, 2006 nang walang bayad! OKay, di ba?
!-->!--!-->
Currently feeling: jubilant