Posted by ays at 12:06 PM | 8 minds blown
Entries for March, 2006
March 1st, 2006
Black Hole
As I have told last time, I passed the exam witht he result of DSH 1. It means that I have passed 57% to 66% of the test. That state is quite scary since the assurance of passing the entire exam is so slim. I never expected success! 
This morning, I took the Oral Exam and on my to school, I really had goosebumps! I know it wouldn't make any difference. I was given a text about Economics, this was the course of study which I applied for. I was alone in a room to read the text and make notes. It was also allowed to use a german dictionary. Overall, the Oral exam was okay! I wasn't able to fluently speak the language perhaps because I'm nervous, which was soooo noticeable. The Head of the Foreign Language Department told me that I'm so pale. I just gave it a shot and I know I can do better if only I know more about the language. 
After that, I waited outside the office for the result. I was walking back and forth as if I'm waiting in front of a Delivery Room. A father waiting for his child. As I came near to her table, I already saw the result. Still DSH 1! It isn't enough. She also told me that I did so bad in Grammar. I only had 9 correct answers out of 20. I also did bad in Hearing Comprehension. Here are the exact figures in percent:
Hearing Comprehension 60%
Essay Writing 70%
Reading Comprehension 65%
Grammar 45%
Oral Examination 65%
It was sooo bad!!! Having such grades is a shame. I have shared it though kasi malungkot ako. Gusto kong idahilan na hindi ko naman talaga balak mag-aral at ginawa ko lang 'to dala ng mga 'di inaasahang pagkakataon. Kinailangan kong pumunta rito at ang pagiging estudyante ang pinakamadaling paraan para makalusot. Gusto kong mag-stay kaya ko ipinagpatuloy ang pag-aaral.
Pero sa ngayon, lalo na habang pinagmamasdan ko ang mga mag-aaral dito sa library na masigasig na nag-aaral, naisip ko na ayaw ko na rin namang pagdaanang muli ang buhay estudyante. Tama na ang isang beses, puwera na lang kung Master's Degree. Matagal ko na rin naman itong naisip. At nang makita ko ang plan for this semester, parang lalo kong inayawan ang pag-aaral.
Hindi ako nag-sa-sour graping. Hindi ko talaga gustong mag-aral uli, kinailangan ko lang gawin 'yun para makakuha ng extension. At ngayong nalalapit na expiration ng Visa ko, Hindi ko sigurado ang dapat kong gawin. Alam kong tila ba akong hinihigop ng isang Black Hole pauwi ng Pinas at hindi ko alam kung lalabanan ko ba ito o hahayaan ko na lang ang sarili na magpahigop.
Sinabihan ako ng Foreign Langauges Head na kumuha pa ng isang kurso sa Aleman at mag-test muli sa August at baka sakaling bigyan pa ako ng Immigration Office ng pagkakataon. Inabisuhan din ako ng Studentsekratariat na makabubuting sumangguni muna sa Immigration bago gumawa ng hakabang dahil maaaring hindi na nila ako pagbigyan. At ito ay nangangahulugan ng pag-uwi ko Pinas.
Gusto kong mag-isip ng iba pang options pero magulo ang utak ko. Gusto kong mag-stay pero parang suko na ako sa pagdaan pa sa mga pasikut-sikot na paraan. Parang gusto ko na lang sumunod sa agos. Either way, there is life for me. Pero handa na ba ako?
Currently feeling: malungkot at nalilito
Posted by ays at 12:38 PM | 65 minds blown
March 4th, 2006
GOOD NEWS... BAD NEWS...
GOOD NEWS: Yesterday, I went to the Immigration Office to ask if I still be able to have an visa extension. The man told me that as long as I haven't recieve a notification that I should go home, I can still stay and try to pass the exam on August and I also told him that I'll be having the preparatory course this March.
BAD NEWS: I don't trust it because the last time I recieved an extension prior to the last one I had, they sent me a letter telling me that they intend to decline my request of visa extension and that I'll be sent back home.
GOOD NEWS: My Globe Roaming Service is now reactivated!!! I am once again reachable by a peso! At sana naman may mag-text sa akin! Hint! Hint! Hint!
BAD NEWS: Due to my Roaming Service's deactivation, I don't have a network last month and because of that I wasn't able to use up the more or less PhP400 in my account. As it reached expiration the amount was forfeited. SHIT!
GOOD NEWS: Today, my aunt gave me the letter that was sent by the Fachhochschule- Bonn-Rhein-Sieg, the college that I'm planning to study in. It has given me the permission to take another course and to try to pass the exam on August. I can present this to the Immigration in extending my visa.
BAD NEWS: I am not certain if this would be enough for me to have an extension. The Immigration is just sooo unpredictable!!!
PAHABOL: Kahapon, Ate Dra. Vita, our choir directress and the wife of Kuya Consul Gary, texted me. Sabi niya sa akin, magdala raw ako ng backpack and she told me not to ask what or why! Nagtaka ako! Bakit niya ako pinagdadala ng bag!?! I replied and asked her if the message was intended for me and also asked her how big the bag should be. She replied, "Banlag ba ako?! Opkors sayo ung msg! jus d regular bakpak--hindi naman kita bbgyan ng refrigerator e..." I laughed! Actually, na-intriga ako kung ano ang use ng bag.
Kagabi, after some
tequilla shots at Jang's place, we had our choir practice. Hindi ko pa nga inabot ang bus kaya tumawag ako sa mga kasamahan ko na may kotse at baka sakaling papunta pa lang sila at magpapadaan ako. Si Jang kasi eh! Jowks!
Dahil lahat sial ay naroon na, sinimulan ko ang paglalakad patungong simbahan. Aba! malayu-layo rin 'yun ah! Umuulan pa ng snow! Pero okay lang, ang sarap nga ng trip eh. Walking in the Snow! hehehehe. And then, Ritchie, my good friend and red wine drinking companion, came to the rescue!!! Salamat, bro!
Nang matapos ang practice, ibinigay na sa akin ang gift ko para sa nakaraang birthday ko. Isang bote ng red wine at isang wine glass na nasa isang metal plate! Alam kasi nila ng red wine drinker ako! Red Wine Club nga ang tawag sa amin nina Ritchie, Kuya Lando and Kuya Consul Gary. Salamat ulit, Auxilian family! 
Currently feeling: good and bad
Posted by ays at 07:13 PM | 7 minds blown
March 24th, 2006
ano na nga ba? (edited)
Ang tagal ko nang walang entry dito! Ano nga ba ang mga pinag-gagagawa ko the past month? Kahit ako parang hindi ko na rin alam.
After na problemahin ko ang pagbagsak ko sa test. Siniguro ko munang makakakuha ako ng extension (which is hindi pa rin naman sigurado until na bumalik ako roon sa April 21) at matanggap muli sa escuela na pinapasukan ko. Tinanggap nga nila uli ako pero NAMAN... magkano ang inilabas ko!?! €390 para sa german class at €139 para sa school fee. Libu-libong € na ang nagagastos ko d'yan! Nakakapanghinayang!!!
Nagligpit na rin ako sa bahay! Baka sakaling bigla akong umalis. Mabuti na ang sigurado. Kinahon ko na ang mga gamit sa bahay lalo na ang mga kasangkapan. Naka-dalwang kahon din ako. Ikakahon ko pa sana ang iba kasama na ang mga gamit ko kaya lang wala na akong perang pambayad sa pagpapadala sa mga kahon. Kakabayad ko lang sa escuela kasi. But I'll still be packing those stuff para maayos na ang bahay. Itatapon ko na rin ang mg dapat itapon.
Kaya lang, pasukan na sa Lunes kaya pihadong hindi ko na naman matatapos 'to. Hindi pa nga ako handa sa escuela eh. Tiyak na manganga pa na naman ako kasi sa tatlong linggo kong bakasyon, tagalog lang ang salita ko! hehehe. Patay kang bata ka!!!
Naging busy din ako sa resarch ko. The TROPA will be doing a stageplay on the last quarter of this year kaya abut-abot ang research ko sa assigned topic ko. Kahit na na-i-present ko na 'yun, kailangan ko ap ring magbasa at mag-follow up research kasi kasama ako sa mga magsusulat ng script. Ang dami kasing gustong gawin eh!!!!
Next month will surely be active due to Holy Week. May mga plano na naman kasming activities kaya busy na naman 'yan. Added the choir na bibirit na naman ng Hallelujah!!!
Dapat ko nang ayusin ang buhay ko!!! Hindi puedeng ganito na lang ako. I have to act faster para simulan nang buuin ang career ko. Hindi na talaga ako mag-aaral. I'll just get my Visa until August and then in between those months, aasikasuhin ko na ang application ko. Kumilos na dapat ako!!!
**After I'm done surfing the net sa school, umalis na ako and I headed to Saturn to buy DVD's of "Before Sunset" and "The Notebook". Then I looked for MP3 players. I went to Bonn City and walked around as I'm eating a Mix Box from Nord See. Giniginaw ako pero sige pa rin sa pag-iikot. Matagal na rin akong hindi nakakaikot sa city kaya ngayon ko lang nalaman na may magbubukas nang Starbucks na mas malapit dito sa amin. buti naman.
Ito ang dahilan kung bakit ko in-edit ang entry na 'to. Pumasok ako sa H&M para tumingin ng mga damit nang makasalubong ko ang isang employee nila. Isang matangkad na lalaking lean at naka-fit na shirt with a print
"FUCKABLE"!
I was surprised to see a tee with such a print! Tama nga ba ang pagkabasa ko? Hehehe.
Then as I'm heading to the door palabas, nakasalubong ko ulit siya. Tama nga ang naka-print sa t-shirt niya,
"FUCKABLE"
nga! Siguro dahil nakita niyang nakatingin ako sa shirt niya, he whispered; "HI!". Hindi ko na siya pinansin at lumabas na lang. Hahahahaha.
Does his "FUCKABLE" shirt means he wants to be fucked? And his "Hi!" means he wants me fuck him? hahahahahahahaha
Posted by ays at 04:12 PM | 53 minds blown
March 28th, 2006
tagsibol
Mahigit isang linggo na ang nakararaan nang magsimula ang tagsibol, kahit pa may kalamigan pa rin ang simoy ng hangin at hindi pa makikita ang pamumulaklak ng mga puno at mga halaman.
Sa nagdaang araw ng linggo, dinagdagan na ng isang oras ang orasan, hudyat ng pagsisimula ng paghaba ng araw na sadyang kapansin-pansin na. Alas otso na ng gabi ngunit para bang tila alas kuwatro pa lamang.
Nagsisimula na ring mabawasan ang mga isinusuot ng mga tao, numinipis at gumagaan. Bagay na nagbibigay ng ngiti sa mga labi.
Isang makabuluhang panahon ang hatid nito. Isang pagkakataon ng pagsisimula ng isang bagong mukha ng buhay. Isang punung-puno ng pag-asang yugto ng buhay...
Ano mang bagong hamon ang sasalubungin, tiyak na may panibagong lakas itong haharapin...
Currently feeling: hopeful
Posted by ays at 01:13 PM | 44 minds blown
March 31st, 2006
April Fools' Day
Bukas, April Fools' Day (AFD)! Pupunta kami ng tito at tita ko sa Schwarzwald (Black Forest) dahil birthday ng tito ko. Wala lang, mamamasyal lang kami. Kung makakakita siguro ako Coo Coo Clock na mura at maganda, bibili ako. We'll see kung ano ang mangyayari.
Anyways, dahil nga AFD bukas, naalala ko 'yung AFD prank na ginawa ko a few years ago. Marami rin akong naloko at talagang natuwa akosa ginawa ko. Hehehe.
It was around five years ago. I texted my friends telling them na nagkita kami ng ex ko from college. We watched a movie and ended up in a motel and she got pregnant. Natawa ako sa reaction nilang lahat! Happy daw sila para sa akin! They support me daw! Etc. Etc. Talagang parang gusto nilang magkabalikan kami!
Anyways, walang thrill 'yun dahil text lang. Kaya ang ginawa ko, tinawagan ko ang iba. Super suporta sila sa akin. Ewan ko ba sa kanila kung bakit ganun na lang ang reaksyon nila. Habang nag-uusap kami, lumalalim ang usapan at nagiging seryoso. And then, saka ko sinasabi na may aamin pa ako. Seryoso naman nilang sinabi; "Ano 'yun?" Tumawa lang ako nang malakas at sinabing "Happy April Fools' Day!" Lahat sila napasigaw at napatawa, mayroon ding napamura! Sabi nila, akala raw nila totoo na! OKay na okay daw ang akting ko. Hehehehe.
Pero isa lang sa kanila ang nagalit sa akin. Siya 'yung huli kong tinawagan dahil nga nagalit siya... Si Paz. Hindi siya nagalit dahil nakabuntis ako, nagalit siya dahil pagod na pagod daw siya from training at wrong timing ang ganung klaseng prank. Binagsakan niya ako ng phone!
Ang tindi n'un! I'm really having a good time tapos bigla na lang naputol dahil sa kanya. Hmmm... Kumusta na kaya siya. Hindi na siya nagpaparamdam eh. Nasa Amerika na siya dahil nakakita siya roon ng job. The last e-mail na pinadala niya sa akin, hindi pa para sa akin. Para sa kanyang boyie!!! Imagine, naipadala niya sa akin 'yun!?! Hindi ko alam kung hindi ba talaga sweet ang ginawa niyang e-mail para sa boyie niya o dahil lang sa hindi para sa kin 'yun kaya hindi kinakitaan ng sweetness. Well, okay lang! May kanya-kanya na kaming buhay ngayon. I've already moved on...
Ngayon kaya, anong klaseng prank kaya ang puede kong gawin? Hmmm... tawagan ko kaya ang mga naka-sex ko at sabihin sa kanilang may AIDS ako at baka nahawahan ko sila o sila ang nakahawa sa akin? hahahahahahahahahahahaha. Naku! Tiyak na matatakot ang mga 'yun. Hmmm... 
Currently feeling: funny
Posted by ays at 07:02 PM | 23 minds blown