Sa Jueves, 23 ng Febrero, mag-e-exam ako. Susukatin ng exam na 'to kung gaano ang alam ko sa wikang Aleman. May Reading and Listening Comprehension, Grammar at Text Production. Kapag naipasa ang 2/3 ng test puede akong mag-Oral Exam. At kapag naipasa ko 'to, puede na akong mag-enroll sa University.
Hindi biro ang exam na 'to. Ilang Euro na ang pinakawalan ko para rito at ilang beses na akong nawindang dahil sa pagkabisa ng grammar nito. Ngayong may training ang review kami, hirap ako. Sa pagbilang ko n gmga tamang sagot ko, hindi pa umaabot ng 2/3 kaya medyo nag-aalala ako. Feeling ko tuloy nominated ako for EVICTION!!! Parang sa bahay ni kuya.
Napaisip na ako, kapag hindi ko naipasa ang exam, siempre hindi na ako makakapag-aral puera na lang kung bibigyan pa nila ako ng pagkakataon na malabo kong makuha. Hanggang sa 21 April na lang ang Visa ko kaya kung hindi ako makakakuha ng extension, uuwi ako sa April.
Wala namang kaso sa akin ang pag-uwi. Medyo mahirap lang para sa akin kasi naging at home na ako dito. Maraming dahilan kung bakit gusto kong manatili rito, isa na ang:
Choir - ang mga members nito ang unang mga nakasama ko rito. Masaya ang samahan kaya naman nakakalungkot na iwanan ito. Dahil din dito, na-develop ang boses ko.
TROPA - ito ang youth group na binuo namin. Sobrang napamahal sa akin 'to kaya naman kinakarir ko eh. Alam kong madami pa kaming dapat ituro sa mga youth dito kaya AYOEKOE umalis!
Friends - Madami akong naging kaibigan dito. Halu-halo sila kaya naman ang sarap nilang kasama. Sa dalawa't kalahating taon ko rito, lumalim na ang pagsasama naming lahat kaya naman ang hirap basta umalis.
Independence - Living alone is really something i love. Wala ka kasing inaalala na maghihintay sa'yo kapag gabi ka na umuwi, kung madumi ang bahay mo etc. Besides, I'm learning how to become independent and responsible.
Euro - aba! malaki ang value nito. Dahil dito nakakapagpadala ako kahit paano sa pamilya ko sa Pinas. At saka, dahil Euro ang kinikita ko, nakakabili ako ng branded na pantalon, shirts at sapatos. As in kilalang tatak at mas marami pa siya kaysa sa kay ako noong bilin. (Pero hindi naman ako mukhang pera ha!)
Ilan sa mga inaalala kong daratnan ko sa Pinas ay:
Mommy ko - mag-aaway lang kami kasi old fashioned 'yun! Ito ngang buhok ko, pinanggigigilan niya eh. Lagi niyang sinasabi na paputulan ko raw, kaya nga hindi rin ako laging tumatwag eh. Naririndi ako. Saka mag-aaway kami kung lagi akong uuwi ng umaga o kaya kapag nakitulog ako sa ibang bahay. Hindi niya kakayanin ang lifestyle ko. Besides, AYOEKOE ma-deprived ang freedom ko.
Trabaho - mahirap humanap nitp ngayon lalo na kung ang kailangan mo ay malaki ang sahod. At AYOEKOE na Call Center ang bagsakan ko kasi hindi ko matatagalan 'yun. (Oops! AYOEKOE magsalita ng tapos.)
Mayroon pa akong ibang mga dahilan kung bakit ko gustong mag-stay dito at kung bakit AYOEKOE bumalik sa Pinas. Mas may opportunity ako rito kaya sana naman maayos ang lahat. Don't get me wrong, gusto ko pa ring bumalik sa Pinas. Pero hindi ngayon. Mag-iipon muna ako. Hindi pa ako handa. Haaayy...
Kung sakaling bumalik ako sa Pinas sa April, ano kaya ang gagawin? Ano'ng trabaho ang papasukin ko? Hmmm.... Mag-audition kaya ako para sa PBB? Hmmm....
Currently feeling: tuliro