Dahil kulang ako sa tulog last Saturday dahil hinatid ko sa airport ang Daddy ko para sorpresahin ang Mommy ko sa birthday niya bukas, nahirapan akong gumising ng maaga kanina. Sinabi ko kasi sa sarili ko na kailangan ko nang pumunta sa Immigration Office para ma-extend ang staying permit ko. Mas maaga mas maganda, sabi ko. Para kung sakaling magka-problema, masolusyonan agad.
Ilang beses na-snoozed ang alarm ng handy ko dahil ayaw ko pang bumangon. Concious na ang utak ko pero, lanta pa rin ang katawan ko. Ewan ko ba, pero nagulat rin ako sa sarili ko kasi pinadyak ko ang kanang paa ko nang mabilis at ilang ulit. 'Yun bang parang may gumugising sa'yo. Kaya bumangon na ako at naligo. Uminom lang ako ng cold coffee at lumarga na.
Habang nakasakay sa tren, nagdarasal ko. Sana makuha ko 'yung extension nang walang hassle at sana nga siguradong makuha ko 'yun that day. Late na ako dumating doon kaysa sa schedule ko sa sarili ko. Pero okay lang kasi wala pa namang mga tao. Pumasok ako sa office at inunahan akong batiin ng officer. Sayang! Gusto ko sanang ako ang mauna para magpakitang gilas ako na mabait para naman maibigay na ang extension ko.
Tiningnan niya ang file ko at binasa ang mga huling dokumentong ipinasa ko kasama na ang mga palitan ng papel nila ng abogado ko. Sinabihan niya ako na dapat ay maipasa ko ang exam para makuha ko na ang student's visa na tatagal ng dalawang taon. Gusto niya sanang dalawang buwan lang ang extension ko pero nang malaman niya sa akin na hindi ganoong kabilis malaman ang resulta ng exam, dinagdagan niya pa ng isnag buwan. Hanggang April pa ako dito.
Hay, Salamat! Nakahinga rin ako ng maluwag. Sa Feb, may training-review ako para sa exam. Mipasa ko man o hindi, ayaw ko na talagang mag-aral. Ngayon kailangan kong humanap ng paraan kung paano ako makakapag-stay dito ng legal. At least, tapos na ang isang prob ko. I still have time.
Currently feeling: relieved