nOiSiErDiSpUtE

Entries for September, 2005

September 6th, 2005

FIESTA

I’ve been so busy the past weeks! Dinagdagan pa ng problema sa papel at ng mga extra activities kaya naman halos ‘di na ako nakapag-tabulas. Naipon tuloy ang mga kwento. I’ll just make it short para hindi naman maging nobela. Hehehe.

One week before the World Youth Day (WYD), social activities are taking place in the Archdiocese of Cologne which they called the “Days of Encounter”. The projects, on the other hand, are called Underconstruction. Sumali kami sa pag-re-register ng project at ang ginawa namin ay “Fiesta ng Kabataang Pinoy and Living Rosary”.
 
At first, we thought that this would just be a small event. Pero nang kalaunan, lumaki nang lumaki hanggang sa naging busy na kami at talagang kinarir na naming. Umabot hanggang sa madaling araw ang mga meetings namin at ang mga libreng oras ay ginugol sa pag-canvass ng maraming bagay na bibilin, pamimili, pag-aasikaso ng mga permit at pangangalap ng tulong.
 
Naisip namin na magiging magandang daan ito para mamulat ang mga kabataang pinoy dito sa kulturang pinoy at maging sa simbahan. Gusto naming ipakita sa kanila na okay ang maging pinoy pati na rin ang pagsali sa simbahan. Gusto rin namin silang turuan kung paano tumanggap ng mga responsibilidad dahil kasama sala sa organisasyon ng fiesta.
 
Hiningan naming ng tulong ang mga grupo ng mga Pilipino dito sa pamamagitan ng pagtitinda nila ng mga pagkaing Pinoy. Ang lahat ng proceeds noon ay ibibigay nila sa amin pangtulong sa mga participants ng WYD at sa mga future activities ng TROPA, grupo namin.
 
It has been very successful. Ang daming mga taong pumunta. Napuno namin ang amphitheater sa park. Marami ring mga Germanat ibang national ang naging interesadong pumunta dahil nakita nila ang mga preparation namin noong umaga. We are very happy that morning kasi balita naming sa news na mainit ang araw na ‘yun, di tulad ng mga araw bago ‘yun.
 
Nauna naming ginawa ang Santacruzan. Namangha ang mga taong napadaan sa park. Iba kasi ito! Ngayon lang nila nakita, kaya naman nagtatanong sila. Dito pa lang sa parte na ’to, marami na’ng nag-co-congratulate sa amin.
 
Isinunod namin ang Living Rosary, ang gandang tingnan ng mga tao habang binubuo nila ang rosaryo. Lalo na nang pinalipad na nila ang mga lobo. Ito nga rin pala ang dahilan kung bakit may nagpuntang Catholic magazine journalist. Hindi pa raw kasi siya nakakakita nito. At na-i-publish nga ang Fiesta namin.
 
After that, we had the Holy Mass. Lalong tumindi ang sikat ng araw at talaga namang mainit! Tuwang-tuwa kami! Hindi kasi naming akalain na ganoon ang weather. Kung pagbabasihan kasi ang mga nagdaang araw, sasabihin mong uulanin ang araw na ‘yun. Noong misa pa lang, puno na ang amphitheater. Hindi kami makapaniwala, hindi lang dahil sa dami ng tao, pati na rin sa layo ng mga pinanggalingan ng mga Pinoy na nagpunta roon.
 
After the mass, puring-puri kami ng mga tao. Tuwang-tuwa rin sila dahil sa magandang panahon. Ang galing daw naming magdasal, biro ng iba.
 
Habang nagaganap ang mga activities na ’to, busy kami sa pagaayos ng mga gamit namin. Ako, hindi magkanda-ugaga sa pag-aayos ng mga gagamitin sa palaro. Ako kasi ang committee head sa games. Sinisigurado rin namin na maayos ang lahat. Hindi na nga ako nakakain ng agahan, kape lang. Tinapay lang ang kinain ko sa tanghalian at turon nung hapon. Ilang beses din lang akong uminom. Hindi ko na naalala ‘yun sa dami ng iniintindi.
 
Nagsimula ang program, may mga nagsayaw ng folkdances at modern dances, may kumanta, may nagsayaw din ng modernized malong (modern music). After that, nagpa-bingo na kami. Ako ang bumola! Okay lang, sige lang! Hindi ako nahiya kahit madami ang tao. Makapal naman ang mukha ko eh.
 
Nagpalaro rin ang committee ko ng mga parlor games. Tawanan ang mga tao dahil sa pinagbihis namin ng duster ang mga lalaki at pinakendeng para sa “going to market” game namin. Nag-sack race naman ang matatanda. Tawanan silang lahat sa mga pinag-gagagawa namin.
 
Ang nakakatuwa pa roon, nakiki-join ang mga tao. Halatang nag-e-enjoy sila! Sa tuwing, tatanungin ko sila ng, “Game K N B?“; sumasagot sila. Wow! Effective pala akong game master! Hehehe. Baka palitan ko na si Kris Aquino pag-uwi ko! Bwehehehe.
 
Then, sinunod namin ang Little Miss Philippines 2005. Dito naging standing room only ang venue dahil sa dami ng tao. Tuwang-tuwa sila sa mga bata! Pang-Ms. Universe kasi ang kaway nila eh! Tinuruan talaga ng mga magulang kung paano mag-project! Hehehe.
 
Habang naghihintay ng resulta, inilabas ko ang pabitin at pinagkagukuhan ng mga bata! Dahil sa kulang ang oras, hindi na kami naglaro ng basagang palayok. Pina-agaw ko na lang ang laman ng palayok. Paso nga pala ‚yun! Tuwang-tuwa ang mga bata!
 
Natapos ang fiesta, pagod, puyat at gutom kami pero ligpit pa rin! Okay lang, successful ang project namin. Humihingi pa nga sila ng part 2. Nakupo! Hehehe.
 
Abut-abot ang pagkamay sa amin. Umuwi kaming lahat nang masaya! Ibang klaseng experience ito para sa lahat. First time ito dito kaya naman, napa-wow ang lahat. Sabi nga ng isang kaibigan naming matanda, kami lang daw ang nakapag-ipon sa mga matatandang pinoy dito. May iba’t-ibang grupo kasi sila, kaya naman nakaka-biglang napagsama-sama sila. Malaki rin ang nalikom namin. Tamang-tama para sa kailangan namin.
 
It was a bomb! It has exploded so great! And we owe it to HIM.
 
Habang naglalaro kami ng BINGO, may pumapatak na ambon. Natakot kami ng committee ko kaya nagdasal kami habang bumobola kami. Sumakat naman uli ang araw.
Habang Little Miss Philippines naman, maitim na ang langit at lumakas ang hangin; natakot uli kami at nagdasal. Nahawi ang ulap at sumilip uli ang araw.
Kinabukasan, umagang-umaga pa lang. Bumuhos ang malakas na ulan! Tanging ‘yung Sabado na ’yun lang ang may araw! We are very thankful for that!

you may view our pics at http://www.bahaykubostrasse.com/start/

Posted by ays at 02:22 PM | 27 minds blown

September 16th, 2005

WYD 2005

Almost a month has past after the World Youth Day (WYD) here in Cologne. After the event, no one has talked about it anymore other than the youth. And at this time, people are more concerned about the Elections this weekend.

Whatever the concerns of the people here are, the youth are still in high mode! Youth groups have been busier recently on programs, events and meetings. They have been more active then ever!

I just want to share a recap of what we had experience...

Monday, Aug. 15

It was raining and I’m still on my bed when Mark woke me up! It’s around 7:30 a.m. and I’m still sleepy. Kainis!

We have to get our back packs ‘coz we need it during the WYD. It includes the program book, song and prayer book, rosary, map, bottle of water and some stuff we need. And we have to carry 40 back packs from the claim center to the parking lot. It’s not that far but it’s heavy enough to give red marks on my both arms. Para tuloy akong minaltrato sa marka na nakuha ko. Hehehe.

After that, we have to meet with the organizers of the Asian Youth Gathering. We were asked to help in the program kasi. We went to the venue and then had lunch.

Then we headed to Cologne to fix some registration problems and then went around the city to buy some things. Ang dami kasing sales! Hehehe. I bought some shirts.

Then we went home to meet the TROPA and brief them regarding the week’s activities and celebrated the mass after that. Ay! Sila lang pala kasi I went to work pa that night.

Tuesday, Aug 16

This day wasn’t so good as we’d expected! We are surprised with sudden changes of schedules. The TROPA were so disappointed. Stressed out nga kami!

We met at 8 am for the Morning Prayer at a church and then went to another church for the Taizé prayer.

We rode the bus to a hall for an activity. Then, when we arrived there, they said that it was moved to Cologne! Yeah! As if and lapit ng Cologne!

So we just decided to go back to our base and rest. After they have rested, I checked our schedule kasi, we practiced for our presentation in Cologne on Friday. Then we went to the University Garden in Bonn for the mass. When we saw a Philippine flag somewhere in the middles of the garden, sumingit kami sa dami ng tao para makilala ang mga Pinoy. They come from Rome, Norway and there are two guys from Manila. The youth had exchanged e-mail addresses and we all chatted. It was nice meeting them!

Wednesday, Aug 17

After the Morning Prayer, we went to a Catechism. The people there were mostly from the US, Canada and Australia. May naligaw ding mga Pinoy from Manila. The host of the Catechism is the Indian group. Okay sana kaya lang, ang hirap intindihin ng Ingles nila dahil sa accent. Hehehe. But it was okay! We were able to share some stories with other people and it was nice meeting them.

[img:689722]

After that, we went to the hall where the Asian Youth Gathering will take place. Stressed out na naman kasi we have limited time to use the hall. Nakita na naman nila kung paano uminit ang ulo ko! Hehehe. Gutom pa man din ako kasi naubusan ako ng pagkain. Pero naayos naman.

We were surprised witht he number of Asians who went there! Ang dami talaga! There are delegates from Cambodia, China (HongKong, Macau and mainland), Indonesia, Japan, Korea, Malaysia, Mongolia, Myanmar, Taiwan, Thailand, Singapore and Vietnam. There are also delegates from India, Pakistan and East Timor! Laban ka?! Hindi lahat ng countries na ‘yan Catholic pero nag-sama-sama! Ang galing, ano po?! And of course, the Philippine delegation is also there as well as the Filipinos from Dubai.

There are presentations kaya parang Cultural show and dating! We also exchanged little gifts. Ganoon kasi ang ginawa ng Three Kings, di ba? Madami nga akong nauwing souvenirs! Ibinigay pa sa TROPA ang mga gifts ng bawat country! Kaya mayroon kaming gift galing Indonesia, Malaysia, jeep from Manila etc. Sayang nga lang kasi hindi iniregalo ang dragon ng HonkKong! Hehehe.

Pagod kami pero okay lang kasi ang dami naming nakilala. Nakakatuwa!

Thursday, Aug 18

Gaya noong Wednesday, Morning Prayer at Catechism pa rin. Indian pa rin ang host kaya tiis kami sa accent. Hehehe. Pero okay naman kasi magagaling ang bishop na nagbibigay ng Catechism. Dito naming nakilala ang mga Pinoy from Canada na ang dalang bandila ay Canadian! Pwe! Mga mukha namang batang Quiapo. Ewan! May Canadain accent lang. In fairness, mababait naman sila kaya lang hindi ko nagustuhan na wala silang dalang Philippine flag kahit maliit man lang.

Anyways, tuloy ang bigayan ng gifts kasi binigyan kami ng pins and commemorative coins from Ontario. Ontario has already hosted a WYD. Okay di ba?

After that, we went to Cologne for the arrival of Pope Benedict. Todo sa sikip sa dami ng tao. While we were walking, we met Pinoys from Manila, Florida, Australia at kung saan-saan pa. Ang Pinoy talaga gala!!! Everytime we see each other; sigawan, kwentuhan at kumustahan! Kakanta ng “Pilipino, Pilipino!” from the song “Bebot” of Black Eyed Peas. Ang saya-saya!!!

Kumain muna kami at nagpahinga. Dahil sa mainit, nag-Frap muna ako sa Starbucks. Then, nakipag-siksikan kami sa dami ng taong gustong makita si Pope para Welcome Party. Hindi na kami nakigulo sa mga tao sa ilog. Doon kasi siya unang makikita dahil sakay siya ng ferry boat.

Nakita ko naman siya ng 1 millisecond nang tumalon ako! Mahirap kasi kapag maliit lalo na kung ang nasa paligid mo ay malalaki, dagdagan pa ng mga flags na iwinawagayway.

Natapos ang araw, pagod kaming lahat. Although masaya pa ang lahat, umuwi na kami. Grabe sa sisksikan sa tren! Parang LRT! Naalala ko tuloy ang buhay college ko! Hehehe.

[img:689720]

Friday, Aug 19

Catechism ulit kami after ng Morning Prayer. Kahit last day na nito, hindi pa rin nasanay ang tainga ko sa accent in Indian na host. Pero sige, bawi na lang sa galing ng Bishop. Hehehe

After ng Catechism, practice kami ng sayaw para sa presentation namin sa Cologne. Sa riverside kami nag-practice kasama ng mga nagpapahingang delegates ng Canada at India.

Doon na rin kami kumain ng binalot naming tanghalian sa Chinese Food. Imagine, Eat-All-You-Can ‘yung fastfood. Bawat plato ay isang ulam at pinuno talaga namin ‘yun. Ilang platong ulam at kanin. Panay na ang tingin sa amin ng mga tao eh. Kung hindi siguro nila nakita ang WYD ID namin, hindi nila maiintindihan. 30 kaming lahat noon kaya madami kaming kinuha. Kaya bundat kami pagkakain!

Dahil umulan noon, ilang tao lang ang nakapunta sa venue ng presentation namin. So, we need to invite people to have more audience. At the street outside the church, we talked to some delegates to watch us. Para na nga kaming mga bugaw sa labas ng night club sa pagpupumilit sa kanila para pumasok! Ano ba ‘yan! Pero may mga nakuha naman kaming parokyano! Hehehe.It went well naman. We have satisfied our customers! Este… audience pala! They all applauded and enjoyed the show. After that, kodakan kaming lahat!

check our photos at http://www.bahaykubostrasse.com/start/

to be concluded...

Posted by ays at 06:34 PM | 18 minds blown

September 26th, 2005

WYD 2005

I want to share more about the WYD 2005 experience but I still can't find the time to do so. I'm still busy with a lot of things. Naipon na nga ang mga kwento ko eh!

Anways, if you are interested to know more about the past activities that I've been in to. Check our newsletter...  Most of the articles are in German though.

Posted by ays at 04:33 PM | blow your mind

September 27th, 2005

Ikatlong Yugto

Kahapon, ika-dalawampu't anim ng Agosto, hustong dalawang taon na ako rito sa Alemanya. Malaking pagpapasya ang pagpunta ko rito. Dala ang bigat ng loob, takot at pag-aalinlangan; tinahak ko ang himpapawid patungo sa ibang bayan kung saan naisip kong magsimulang muli. Bumangon at baguhin ang landas na tinahak.

Sa dalawang taon ko rito, marami ang nag-iba sa akin. Marahil dahil sa dami ng aking naranasan, natuto akong lumaban at tumapang. Ngunit kung minsan ay naroroon pa rin ang takot sa aking dibdib dala ng karanasang nagpabago ng aking buhay.

Hanggang ngayon ay may pag-aalinlangan pa rin ako kung magagampanan ko ang mga gawaing iaatang sa aking balikat. Alam ko mang kaya ko, hindi ko pa rin maialis ang pinsala na aking natamo na patuloy na tumutusok sa aking talampakan na siyang nagiging dahilan upang magkuli akong ipagpatuloy ang aking paghakbang.

Pinipilit kong baguhin ang lahat para maipagpatuloy ang paglaban sa hamon ng buhay. Hindi nagiging madali para sa akin dahil lubhang hinahamon ako sa bawat paghampas ng mga dumadaluyong na alon. Kung minsan ay natatakot ako at ibig na lamang magtago ngunit lagi kong isinasaisip na kailangang laging bumangon at magpatuloy sa paglalakbay.

Sa panibagong buhay na aking binubuo,

nais kong tawirin ang lawak ng karagatan...

Liparin ang kalawakan ng himpapawid...

Sisirin ang lalim ng buhay...

Arukin ang tayog ng tagumpay...

Posted by ays at 03:10 PM | 9 minds blown

site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links