yesterday, i'm suppose to meet with my friend, juan. we're suppose to hang-out at his dorm kasi may libreng internet connection doon. kaya naman dinala ko si jane. i called him up before work, saka niya lang sinabi na hindi siya puede dahil may emergency work siya. okay! hindi ba sabihin sa akin nang maaga. bitbit ko tuloy si jane.
after work, tinamad akong umuwi. ayoko pang umuwi, gusto kong gumala. boring naman ang city ng bonn kaya ayoko. araw-araw na kasi akong naglilibot sa bonn kaya kahit pa nakatakip ang mata ko, puede ko siyang libutin. in short, i thought of going to cologne. naisip ko na rin na baka may makita akong bagong info about wyd. doon kasi gaganapin ang world youth day this august. besides, mas malaki ang cologne at mas maramign shops, bars, restaurants, etc. etc.
kaya nag-abang ako ng tren papuntang cologne sa hauptbahnhof (main station) ng bonn. may kabigatan si jane pero okay lang. mainit pero okay lang, naka-shorts, chinelas at t-shirt lang naman ako eh!
habang sakay ako ng tren, nilibang ko ang sarili ko sa tanawin. bukid kasi ang dinadaanan kaya medyo, refreshing, dagdag pa na may air-con ang tren kaya presko.
pagdating ko sa köln hauptbahnhof, naisip kong i-deposit si jane sa baggage deposit box. pero naisip ko na huwag na lang kahit pa may susi 'yun at ako ang hahawak. kaya binitbit ko na lang siya sa bag ko.
hindi pa tapos ang hagdan sa paanan ng cathedral ng cologne. ginawa 'yun para sa wyd. pero halos malapit na ring matapos. pumasok muna ako sa simbahan at nagdasal. opo! marunong akong magdasal. actually, mas okay pa nga sa loob kasi malamig kaysa sa labas na umaabot higit sa 30° ang init. kapansin-pansin na maraming singkit sa loob ng simbahan. kinilala ko ang kasingkitan nila at naisip ko na japanese sila. tama nga ako! narinig ko kasi 'yung punto ng isa.
nang lumabas ako, marami naman akong nakitang naka-brazilian t-shirt, 'yung dilaw na may green. hindi ko alam kung bakit. kanina, puro japanese. tapos, puro brazilian naman. saka ko lang nalaman kung bakit nang makita ang poster na may laban ang japan at brazil sa stadium ng cologne. buti na lang at hindi ko sinuot ang t-shirt kong brazil dahil kung nagkataon, magtataka ang mga tao dahil mukha akong japanese na naka-t-shirt ng brazil. hehehe
ginala ko lang ang cologne, patingin-tingin, palakad-lakad. nang napagod at nagutom, kumain ako sa burger king. hidni ko na nga napansin na pasado alas singko na at huli na ako sa tren ko. masyado kasing maliwanag kaya akala ko, maaga pa. naghintay tuloy ako ng matagal sa bahnhof.
pag-uwi ko, maligo agad ako dahil sa sobrang init. amoy pawis na nga ako eh. kainis. feeling ko tuloy nasa 'pinas ako. kahit pa gabi na, mainit pa rin.
nagising nga ako ng madaling araw dahil sa init, pinagpapawisan ako at nahihirapang huminga. naghubad ako ng t-shirt. init na init ako! hindi naman ako nalilibugan lang kasi hindi naman ako tinitigasan. mainit lang talaga! kaya kinuha ko ang electric fan at binuksan. nakatulog naman ako ng mahimbing.
Currently feeling: hot