ano ba'to!?!
i recieved an e-mail today from paz. hmm... sabi ko, naalala ako. ano naman kaya ang balita rito?
siempre, kinumusta ako! sa tagal-tagal ba naman naming hindi nag-usap eh... sa tingin ko, miss na niya ako! hehehe. tama ako! may "i missed you!" sa huli eh!
sinabi niya sa akin na nawala ang handy niya kaya hindi siya nag-te-text. (ang tagal mo kayang hindi na nagte-text. last christmas pa 'yun ah! kaya nga hindi na kita tinetext dahil sa kakuriputan mo eh!)
tapos, sabi mo, nawala naman ang wallet mo! (anak ng tinapa! una, handy. panaglawa, wallet. ano'ng susunod!?! ano ba'ng nangyayari sa'yo? bakit ang daming nawawala sa'yo?)
ang kasunod... sinabi niya na muntik o nalunod siya sa marinduque. buti na lang raw at nakaligtas siya. (tumahimik ako... ano ba'to!?! totoo kaya 'yun? baka naman nagpapapansin lang. taena! gagaya pa sa'kin. muntik na rin kasi ako eh. hindi nga lang tubig ang papatay sa'kin, bala!)
napaisip ako... ano kaya ang nangyayari sa kanya. bakit parang puro kamalasan yata. at taena! sino ang kasma niya sa marinduque!!! PUQUE!!! alam kong may bf siya ngayon. at kung siya ang kasama niya. TAENA NIYA! dahil hindi niya inaalagaan 'yung kasama niya! TAENA NIYA! kasi hindi siya marunong pumili ng taong mag-aalaga sa kanya. POHTA NAMAN!
sabi ko, "ERASE!!! ERASE!!!" paano mo naman mabubura kung ganyan ang sitwasyon! POHTAENA! payag na nga akong hindi kami, basta okay siya eh. pero bakit naman napunta sa delikado ang lagay niya!?! hindi ko na nga pinipilit ang sarili ko eh! okay na mapunta siya sa iba basta masaya siya, okay siya, hindi siya mapapa'no!
kaya nga ako nagpapaka-busy!!!
kaya nga ako hindi na nakikipag-communicate sa kanya!!!
kaya nga ayokong umuwi ng 'pinas eh!!!
kelangan ko siyang malimutan!!!
pero paano!?!
paano!?!
tapos, nangyari 'to. siempre, tatawag ako. nag-aalala ang gago eh!!! magpapakatanga na naman!!! tiyak, maglalambing na naman... makikiliti naman ang gago!!!
bakit ba hindi natin matuldukan ang isa't-isa!?! (drama!?!)
bakit hindi na lang tayo magkalimutan!?! (senti talaga!!!)
sana ako na lang ang nawala sa buhay mo!?! (ay! seryoso na 'to!!!)
POHTAENA!!! AYOKO NA!!!
pero teka! april fools's day ngayon! hindi kaya...
Currently feeling: worried
Posted by ays at 04:43 PM as a favorite post | 16 minds blown

boy (when no one is looking
!) ahehehe i'll devote my time and talents!!! makuha ko lang ang hinihiling ko!
