nOiSiErDiSpUtE

March 29th, 2005

hallellujah syndrome

sobrang aga naming nagising last sunday. dst na kasi kaya one hour earlier kami lahat nagsi-gisingan. big event 'yun kaya naman nagpapogi ako nang husto! aba, kailangan angat ako! hehehe. naligo akong maigi, kinuskos kong mabuti ang katawan ko at sinabon nang todo. nangalahati ang lalagyan ng gel ko sa inilagay ko sa buhok ko at talaga namang para akong bote ng pabango sa bango ko. hehehe. ang guapo ko! 'yan ang tingin ko sa salamin. naka-amerkana ako at neck tie pa! mukhang eksekutib lalo na't plantsado ang buhok ko at tinalian pa para hindi ako mukhang busabos.

alas-nueve ng umaga, wala pa akong almusal pero kailangan nang bumirit. nagpraktis kaming lahat para siguradong walang sablay. sige sa hallellujah! dapat walang mali at mapapahiya kami sa dami ng bisita. kaunti lang ang kinain ko dahil mahirap kumanta nang puno ang tiyan. grabe! this is it! sabi ko.

pagdating sa simbahan, may mga tao na. hindi lang pinoy, may mga puti rin. kinabahan na ang karamihan kaya naman nagdasal na! hanggang sa sumenyas na si father. sige at bumirit na ng hallellujah! ipinagmamalaki ko na naging succesful ang kanta namin sa buong misa. kahit pa na may nagkamali, hindi naman nahalata ng mga tao dahil hindi nila alam kung ano ang tama. pero medyo nakakainis din, hindi ko na lang pinansin at dapat magpakabait, nasa simbahan eh!

natapos rin kami at nakaraos! maraming nasiyahan sa kanta namin. pati na rin ang mga bisitang poreyner, tuwang-tuwa. sabi ko nga sa kanila, hallellujah syndrome ang tawag dun. na-infect na lahat. ang choir nga kumakanta ng ibang kanta sa tono ng hallellujah. na-praning na!

nabawasan na ang pressure at activity pero may mga nakahilera pa rin na youth-related. whew! enjoy talaga! i hope lahat maging succesful.

now, i can say... i'm too busy for LOVE! SEX PUEDE PA! HEHEHE

Posted by ays at 03:23 PM as a favorite post | 13 minds blown

Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

forsythia (guest)

Comment posted on March 30th, 2005 at 11:03 AM
"kahit pa na may nagkamali, hindi naman nahalata ng mga tao dahil hindi nila alam kung ano ang tama."--->yea yea...hehehe...kurak!

"now, i can say... i'm too busy for LOVE! SEX PUEDE PA! HEHEHE"--> di ka rin baliw noh? hehehe. pero hahah...honga honga! no more love crap. joke lang. ;)
Comment posted on March 30th, 2005 at 06:05 PM
di ba!?! tama naman ako!?!
Comment posted on March 30th, 2005 at 08:10 AM
Too busy for love... but not for sex?

Ah, the motorized feeling of hedonism... hwe-hwe.

Pero mas exhilirating ang sex with love, and love with sex...

Teka, bakit ko nasabi yun? :(
Comment posted on March 30th, 2005 at 06:04 PM
hindi naman hedonism.

what i wrote was "now, i can say... i'm too busy for LOVE! SEX PUEDE PA!" i mean kapag may sex, i'll give some time at huwag na muna ang love. medyo stressed kasi. ayoko muna. niyahahaha.
Comment posted on April 1st, 2005 at 12:56 AM
Hokey. :)

Okey yung lines na aba, "kailangan angat ako! hehehe. naligo akong maigi, kinuskos kong mabuti ang katawan ko at sinabon nang todo. nangalahati ang lalagyan ng gel ko sa inilagay ko sa buhok ko at talaga namang para akong bote ng pabango sa bango ko. hehehe. ang guapo ko!"

Kewl! :)
Comment posted on April 1st, 2005 at 12:56 AM
Hokey. :)

Okey yung lines na aba, "kailangan angat ako! hehehe. naligo akong maigi, kinuskos kong mabuti ang katawan ko at sinabon nang todo. nangalahati ang lalagyan ng gel ko sa inilagay ko sa buhok ko at talaga namang para akong bote ng pabango sa bango ko. hehehe. ang guapo ko!"

Kewl! :)
Comment posted on April 1st, 2005 at 02:40 PM
well... hehehehe.

sabi ko nga, may hallelujah syndrome pa eh! heheheh
Comment posted on March 30th, 2005 at 07:42 AM
Wow naging parang Valentines ang Easter. Alleluia!
Comment posted on March 30th, 2005 at 06:01 PM
bakit naman valentines!?!

rhada (guest)

Comment posted on March 30th, 2005 at 05:13 AM
Hey Congrats! Not just for doing a good job sa pagkanta sa simabahan, kung hindi sa pagiging isang mabuting youth leader dito sa Germany!
Comment posted on March 30th, 2005 at 06:00 PM
salamat!
youth leader!?! naku! nakakakiya kina, jang. actually, magkakasama kami at walang leader sa amin. indirectly, kaming mga nakatatanda ang nag-li-lead sa kanila pero we opted not to have leaders. tnx anyways. i hope makabisita ka sa amin sa bonn. :-)

rj (guest)

Comment posted on March 29th, 2005 at 03:43 PM
<b>now, i can say... i'm too busy for LOVE! </b>

congratulations! you're on of the many.. hehe ;)
Comment posted on March 29th, 2005 at 04:01 PM
hehehehe! isa ka na roon!
site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links