christmas blues
mahirap ang mag-isa lalo na sa panahong maraming tao ang nagsasaya. para bang... itinataboy ka.
maraming tao ang nalulungkot ngayon. sari-sari ang nasa sa isip. iba't-ibang antas ng kalungkutan ang kani-kanilang nadarama. iba't-ibang dahilan kung bakit.
sa lamig ng haplos ng hangin at dilim ng gabi, lalo lamang ginigising ang kalungkutang nasa puso ng marami. maganda man ang mga nakikitang ilaw at palamuti, masaya man ang ayos ng paligid, maliksi ang mga tugtuging naririnig, sa kabila nito ay ang malilim na mga buntung-hininga ang kapalit.
sa amerika, mataas ang kaso ng mga napapakamatay sa panahong ito, dahil na rin sa kalungkutang nadarama. sa malalamig na lugar, kung saan mas dama ang lamig ng pag-iisa, mas maraming namumugto ang mata.
ang sabi ko nga, madalas ay tinatakpan ng mga tao ng kasiyahan ang kalungkutang nadarama kahit pa ito'y panandalian lang. hindi na tayo tumitigil para mag-isip at magnilay. pinapalamutian ang lahat, pinapaganda, pinasasaya at pinasisigla; hindi na naisip na ayusin ang mga nasirang samahan, paghilumin ang mga sugat ng nakaraan at magpatawaran.
ang tunay na kaligayahan ay wala sa kislap ng mga kulay at ilaw, wala sa saya ng halakhakan at ng tugtugin,
wala rin ito sa ganda ng ayos ng kapaligiran.
ito ay nasa sa atin...
nasa loob ng ating mga puso...
ang kaligayahan ay hindi rin lamang ang kasayahan, kagandahan, kasiglahan.
ito rin ay ang katahimikan...
ng kaisipan...
ng kalooban...
isang matahimik na pasko po sa inyong lahat!!!
Currently feeling: silent
Posted by ays at 02:46 PM as a favorite post | 10 minds blown
adonis_estrada

-anonymous
ays
adonis_estrada

Happy happy happy new....
ays
scratchpaper

meri pasko ays *hugs*
ays
hay, buhay!
automatic_joy

~~amen.
ays
falsabraga

ays