nOiSiErDiSpUtE

Entries for August, 2004

August 3rd, 2004

bored na tamad...

wala akong gagawin maghapon at tinatamad akong mag-stay sa bahay. maganda ang panahon kaya ayokong maburyong sa bahay.

nagpunta ako sa city para mamasyal at mag-internet. konti lang ang pera ko kaya kailangang magtipid.

tinatamad akong magluto kaya nagpunta ako sa bahay ng tita ko. libreng pagkain.

napagod ako sa kakalakad kaya naupo sa tabi ng mga german na nakaupo sa may bench sa tabi ng rebulto ni beethoven. feeling german akong nakaupo habang nasa ilalim ng araw sa tanghaling tapat.

ang resulta... para akong nag-blush, as in red.

Posted by ays at 01:57 PM | 5 minds blown

August 6th, 2004

tan

instead of staying at home and doing nothing, tinanggap ko ang offer na mag-garden sa... (simepre sa garden) ng friend ng aunt ko.

masyadong mainit kahapon, feeling ko nasa pinas ako sa init ng panahon. it is 34 degrees. scheiße! ang init.

pero okay lang 10 euro kada oras yata 'yun. i worked for 3 1/2 hours kahapon. okay naman. hindi napagod masyado.

the next day, nagpunta ulit ako para tapusin ang trabaho. alas-nueve ako pumunta para hindi masyadong mainit. anak ng pating! inabot ako ng hanggang alas-tres. paksyet! napagod ako. ang sakit ng balakang ko sa kakayuko, nangawit ang binti ko at sumakit ang mga daliri ko sa kakabunot ng mga ligaw na damo.

naisip ko, pera rin 'yan kaya konting tiis. (mukhang pera!!!) may added bonus naman eh... nagkakulay ako. para ang nagpa-tan. hindi ko na kailangang magpunta ng sun studio. hehehe.

Posted by ays at 06:41 PM | 10 minds blown

August 12th, 2004

HASH(0x8ac0db4)
You Are Jonathan Davis from Korn.


Which Depressed Musician Are You?
brought to you by Quizilla

Posted by ays at 03:26 PM | blow your mind

a loooooooooooooooong week!!!

it has been a long week. i t felt like i did a lot of things. i'm occupied most of the time. it's okay though. hindi na 'ko magre-reklamo na bored ako. sige, kwento muna ko...

after the sunday mass and mini concert of a philippine university choir, i went to a grill party. it was nice. medyo tipsy sa wine kay solb.

when i got home resting. i recieved a text message. it is almost six in the morning sa 'pinas kaya tinanong ko kung ano ang problema niya. tinanong lang kasi niya ako kung ano'ng ginagawa ko. parang gusto raw niyang makipag-break sa bf niya. siempre, to the rescue ako as always. hindi ko inalintana ang puyat at phone bill. tinawagan ko siya.

nag-usap kami. tinanong ko kung ano ang problema. nakinig ako. nalungkot ako kasi hindi na naman siya masaya. hindi ko na nga pinagpilitan ang sarili ko sa kanya kasi alam kong ayaw niya sa 'kin. all that i wished for is the happiness that she deserves. kaya nga i've let her go. siyet! drama!

ang sabi niya sa akin, marami raw silang differences ng bf niya kaya hindi sila magkasundo. kahit maliit na bagay pinagaawayan nila. ang sabi ko sa kanya, "settle your differences." that's a relationship should be, di ba? pero ayaw na niya.

ang sabi niya, "bakit tayo, hindi natin pinagtatalunan kung ano'ng gagawin natin, kung saan tayo pupunta o kung saan tayo kakain?" dinagdag mo pa, " bakit walang bored moments kapag tayo ang magkasama." hindi ko alam kung bakit niya sinabi 'yon. hindi ko alam kung kinukumpara niya ang pinagsamahan namin sa kanila ng bf niya.

binigyan ko siya ng advice. nagustuhan niya 'yun kaya tuwang-tuwa siya. sinabihan pa niya ko ng, "mwah! i love you, friend!"

bakit may friend pa!?!

sinagot ko siya ng "i love you too!" i mean it in a different sense though.

sigh.

sigh.

sigh.


sabi niya sa 'kin na naa-appreciate niya lahat ng ginawa ko at ang pinagsamahan namin, lalo na ngayon. sinabi pa niya sa akin na ako lang ang taong lagi niyang iniiwan at binabalikan. which is true. kahit ako, sa kanya lang ako ganito...

Posted by ays at 03:57 PM | 9 minds blown

August 13th, 2004

pautot

sa pilipinas pa lang kinanta ko na 'to. pati ba namn dito?
pasensiya na, uutot lang ako!


KUNG AKO NA LANG SANA
Performed by Bituin Escalante

Heto ka na naman
Kumakatok sa king pintuan
Muling naghahanap ng makakausap
At heto naman ako nakikinig
Sa mga kuwento mong paulit-uli lang
Nagtitiis kahit nasasaktan

Ewan kung bakit ba
Hindi ka ba nadadala
Hindi ba kailan lang nang ika'y iwanan niya
At ewan ko nga sa 'yo parang bale wala ang puso ko
Ano nga bang meron sya na sa akin ay 'di mo makita

Kung ako na lang sana ang 'yong minahal
'Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang 'yong minahal
'Di ka na muling luluha pa
'Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko naghihintay lamang sa 'yo
Kung ako na lang sana

Heto pa rin ako
Umaasang ang puso mo
Baka sakali pang ito'y magbago
Narito lang ako
Kasama mo buong buhay mo
Ang kulang na lang
Mahalin mo rin ako'ng lubusan

Kung ako na lang sana ang 'yong minahal
'Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang 'yong minahal
'Di ka na muling luluha pa
'Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko naghihintay lamang sa 'yo
Kung ako na lang sana

Wooo ohhh wooo ohhh

Kung ako na lang sana ang 'yong minahal
'Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang 'yong minahal
'Di ka na muling luluha pa
'Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko naghihintay lamang sa 'yo
Kung ako na lang sana

Posted by ays at 03:24 PM | blow your mind

i recieved an e-mail yesterday from the one i'm dying to be with. hindi ko alam kung bakit ba pinadala niya sa akin 'to. sapul na sapol kasi. i felt kinda low tuloy. wala akong makausap. then i ended up calling her. nag-usap kami for two hours. siyet! feeling ko nasa 'pinas ako! patay na naman ang phone bill ko!

here's the e-mail...


The One That Got Away

In your life, you'll make note of a lot of people. Ones with whom you shared something special, ones who will always mean something. There's the one you first kissed, the one you first loved, the one you lost your virginity to, the one you put on a pedestal, the one you're with... and the one that got away.

Who is the one that got away? I guess it's that person with who everything was great, everything was perfect, but the timing was just wrong. There was no fault in the person, there was no flaw in the chemistry, but the cards just didn't fall the right way, I suppose.

I believe in the fact that ending up with someone, finding a longtime partner that is, does not lie merely in the other person. I can actually argue that an equal part, or maybe even the greater part, has to do with the matter of timing. It has to do with you being ready to settle down and commit to someone in a way that goes beyond the little niceties of giddy romance.

How often have you gone through it without even realizing it? When you're not ready to commit in that mature manner, it doesn't matter who you're with, it just doesn't work. Small problems become big; inconsequentials become dealbreakers simply because you're not ready and it shows. It's not that you and the person you're with are no good; it's just that it's not yet right, and little things become the flashpoint of that fact.

Then one day you're ready. You really are. And when this happens you'll be ready to settle down with someone. He or she may not be the most perfect, they might not be the brightest star of romance to ever have burned in your life, but it'll work because you're ready. It'll work because it's the right time and you'll make it work. And it'll make sense, it really will.

So that day comes when you're finally making sense of things, and you find yourself to be a different person. Things are different, your approach is different, you finally understand who you are and what you want, and you've become ready because the time has truly arrived. And mind you, there's no telling when this day will come. Hopefully you're single but you could be in a long-term relationship, you could be married with three kids, it doesn't matter. All you know is that you've changed, and for some reason, the one that got away, is the first person you think about.

You'll think about them because you'll wonder, "What if they were here today?" You'll wonder, "What if we were together now, with me as I am and not as I was?" That's what the one that got away is. The biggest "What if?" you'll have in your life.

If you're married, you'll just have to accept the fact that the one that got away, got away. Believe me, no matter how fairy tale you think your marriage is, this can happen to the best of us. But hopefully you're mature enough to realize that you're already with the one you're with and this is just another test of your commitment, one which will just strengthen your marriage when you get past it. Sure, you'll think about him/her every so often, but it's alright. It's never nice to live with a "might have been," but it happens.

Maybe the one that got away is the one who's already married. In which case it's the same thing. You just have to accept and know that your memories of that person will probably bring a nice little smile to your lips in the future when you're old and gray and reminiscing.

But if neither of that is the case, then it's different. What do you do if it's not yet too late? Simple...find him, find her. Because the very existence of a "one that got away" means that you'll always wonder, what if you got that one?

Ask him out to coffee, ask her out to a movie, it doesn't matter if you've dropped in from out of nowhere. You'd be surprised, you just might be "the one that got away" as well for the person who is your "the one that got away."

You might drop in from out of nowhere and it won't make a difference. If the timing is finally right, it'll all just fall into place somehow and you know, I'm thinking, it would be a great feeling, in the end, to be able to say to someone, "Hey you, you're the one that almost got away."

Posted by ays at 03:33 PM | 2 minds blown

think before saying anything!

i made a comment about a blog from someone here in tabulas. hindi ko na sasabihin kung sino. medyo tinarayan ako! geeze! wala akong masabi. kaya mula ngayon, mag-iingat na ko sa pagbibigay ng komento.

i learned my lesson...

or did i!?!

Posted by ays at 03:36 PM | 3 minds blown

August 17th, 2004


My life is rated NC-17.
What is your life rated?

>
WARNING
ays is radioactive. Wear protective clothing at all times.

Username:
From Go-Quiz.com


Posted by ays at 02:58 PM | blow your mind

August 18th, 2004



How to make a noisierdispute
Ingredients:

3 parts anger

3 parts courage

1 part instinct
Method:
Combine in a tall glass half filled with crushed ice. Add a little cocktail umbrella and a dash of lovability


Username:


Personality cocktail
From Go-Quiz.com







Posted by ays at 03:56 PM | blow your mind

August 24th, 2004



What Famous Leader Are You?
personality tests by similarminds.com

Posted by ays at 01:52 PM | blow your mind

sooooo uneasy...

these past few days makes me feel sooooo uneasy.hindi ko sigurado kung tama ang mga ginagawa ko. i need to manage my life. i just don't know exactly how. tanginis!!!

last sunday, i broke up with my significant other. i can't see where our realationship is leading. i can't go on with it anymore. ang hirap pero kinaya kong sabihin. kailangan kong maging totoo sa kanya. hindi ko kayang paghintayin ang isang tao kung wala naman siyang hihintayin na. (drama!)

hindi ko alam kung paano magsisimula. walang lumalabas sa bibig ko pero pinilit ko. tinanggap niya 'yun. naiintindihan daw niya pagkatapos ng mahabang paliwanagan at iyakan. paksiyet!

i felt so guilty! sana hindi ko na siya pinaghintay kung magiging ganito rin pala ang kahihinatnan. sana nakipaghiwalay na lang ako bago pa ako umalis ng 'pinas. feeling ko tuloy ang sama ko. siyet!

wala naman talaga akong ginawang masama. wala naman naging third party. pero it still making me guilty. Scheiße!

tahimik akong nasa simbahan... out of guilt pa rin. kaya siguro ako lalong uneasy nang kausapin ko ang kaibigan namin kung matutulungan akong makahanap ng trabaho sa company nila.

nanlalamig ang kamay kong kinausap siya. sabi niya bigay ko lang daw ang resume ko. gumawa ako, pero parang kulang pa 'to. hindi ko alam kung ano'ng dapat kong ilagay kaya hindi ko pa maibigay sa kanya. magpapatulong na lang ako mamaya sa isa ko pang kaibigan.

what the fuck is happening to me!?!

masyado akong tensiyonado ngayon.

tanginis?

Posted by ays at 02:15 PM | 2 minds blown

August 25th, 2004


You are a freeform writer. Individualistic with a
sense for the different and challenging, Walt
Whitman and his poetry lacking meter and rhyme
is just what the doctor ordered. You're quick
to write something that the rest of the world
doesn't accept as poetry, quick to separate
yourself from the average joe. An author with a
true sense of self, you have confidence in your
abilities and aren't afraid to show it. GO
YOU!


What's YOUR Writing Style?
brought to you by Quizilla

Posted by ays at 10:02 AM | blow your mind

padala ni inay...

last two days ago tinext ako ng nanay ko. nakidala raw siya sa kaibigan namin na babalik dito.wow! how thoughtful naman ni inay.

kinabukasan, tinawagan ako ng tita ko na siya na raw ang kukuha ng mga padala at kunin ko na lang daw sa bahay nila. so, pumunta ako sa kanila noong hapon.

pagdating ko doon, excited akong kinuha ang supot sa tabi ng kabinet. dahan-dahan ko 'tong binuksan at nakita ang mga padala...

dalawang "the buzz" magazine;
hindi naman ako mahilig sa showbiz, ah!

dalawang papaya soap;
ngek! maitim ba 'ko sa paningin ni inay? sa kanya ko nga namana ang pagka-chinese ko eh! saka nagbibilad nga ko dito para magkakulay tapos papuputiin pa ako!?!

sa mga pinadala niya, ito ang nagustuhan ko...

pagkain!!!

may isang supot ng polvoron, yema at kornik na ang pangalan ay boy bawang.

tsalap!

tsalap!

Posted by ays at 10:48 AM | 9 minds blown

August 27th, 2004

buhay barkada! haaayyy!!!

wala akong masasabing barkada dito tulad ng sa 'pinas. madalas kasi, may mga kanya-kanyang trabaho, pasok sa escuela o kung ano man ang mga kaibigan ko dito. madalang akong magpunta sa mga gimikan dahil parating may inaalalang pasok kinabukasan. miss ko na nga ang buhay na may gimik after work.

kontento na ako kapag nagkikita-kita kami kapag may okasyon. siyet! ang saya, parang fiesta! marami kasing pagkain at puro kwentuhan at halakhakan. sigh.

last night, as i was talking to a friend from the philippines on the phone, i recieved a text message from a co-choir member friend asking me to come over to their house for dinner and movie. excited siempre ako! hindi madalas iyon eh. the last time was... the other day. hehehe.

pagdating ko doon, they are already preparing the table. wow, okay! his wife cooked pansit with lots of atay ang chicken strips topped with the usual gulay plus brocolli and chopped scrambled egg. tinernohan pa nila ng wine. terno nga ba 'yun? anyways, ang mahalaga, may kakainin at masaya, di ba? ang dami kong nakain, ang sarap pa ng kwentuhan.

pagkatapos naming kumain at magligpit, naupo kami sa sala para manood ng "all my life" ni aga at kristine. korni ba? miss na rin kasi namin ang mga pelikulang pinoy. nabibingi na kami sa german eh.

okay ang pelikula...

maganda...

may kinilig...

may naiyak...

may nainis...

may nakornihan...

at ako...

panay ang buntong-hininga!

haaayyyy!!!

ewan! may naalala na naman ako. haaayyy!!!

okay lang! pupunta naman kami mamaya sa kfc after the choir practice. nami-miss ko tuloy ang tropa ko sa 'pinas.

haaayyy!!!

Posted by ays at 07:18 PM | 2 minds blown

August 28th, 2004

buhay barkada! part 2

n'ung isang gabi, pagkatapos naming manood ng "all my life", napagkatuwaan naming panoorin din ang "the transporter". pangatlong beses ko nang napanood ito pero dahil sa hindi pa nila napapanood tahimik na lang akong kunwaring nagugulat at namamangha pa rin sa napapanood.

madaling araw na kaming natapos kaya tinamad na akong umuwi, every one hour na lang ang dating ng bus at kailangan ko pang maglakad ng may kalayuan. ganoon kasi dito kapag alanganing oras na. siyet! miss ko tuloy ang mga pedicab, tricycle at mga late night jeepney trips. mahal naman kung magta-taxi ako. kaya nakitulog na lang ako.

ayoko pa sanang gumising kaya lang nasa ibang bahay ako, isa pa gutom na kasi ako kaya kailangan nang bumangon at kumain. hapon na akong umuwi. naligo lang at tumawag sa 'pinas sandali at lumayas na naman para sa choir practice.

after the choir practice, excited na excited ako kasi pupunta kami sa kfc. ang babaw ba? malayo kasi ang kfc sa amin kaya minsan lang kaming nakakakain dito. you have to take a highway para lang makapunta sa nearest branch. oh ,maliwanag na kung bakit ako excited?

okay sa trip kami! may dala-dala kaming kanin para mas masarap ang kain. okay di ba? wala kasing kanin doon. puro coleslaw, mushed potatoes, french fries at nilagang mais. yup! may nilagang mais ang kfc dito.

dalawang bucket ang binili namin at maraming gravy. binibili ang gravy dito. siyet! at tatlong basong softdrinks para sa walong katao! hehehe. bottom less kasi ang drinks nila kaya solb na solb.

ang sarap ng kain namin.

okay na okay!

solb na solb!

Posted by ays at 02:04 PM | 10 minds blown

site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links